^

PSN Opinyon

Eczema at dermatitis sa balat; Paggamot sa ingrown toenail

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang salitang eczema at dermatitis ay parehong ginagamit para ilarawan ang kahulugan ng pamamaga ng balat. Kadalasan ito ay patse-patse, namamaga, namumula at makati. Kung malala ang eczema, ang patse ay maaaring makapal, may paltos at may sugat.

Klase ng dermatitis:

1. Contact dermatitis – Ito ay resulta ng direktang pag­dikit ng balat sa mga puwedeng pagsimulan ng iritasyon kabilang dito ang rubber, metal, alahas, pabango at mga pang-make-up.

2. Neurodermatitis – Sobrang pangangati ito dahil na rin sa pagkamot mismo ng tao sa sariling balat. Maaring­ nag-umpisa ito sa maliit na kagat, galos o pagkiskis sa balat. At noong nangati ay patuloy nang kinamot ang balat hanggang sa lumaki ang sugat.

3. Seborrheic dermatitis – Kadalasan lumalabas ito sa anit at mukha na parang makating balakubak o madulas-dulas na kaliskis

4. Atopic dermatitis – Ito ay dahilan ng pangangati, pagkapal at pagbitak ng balat na kadalasan ay makikita sa pagitan ng braso, bisig o sa likod ng tuhod. Ito ay nama­mana sa pamilya at kadalasan, may kasamang allergy.

Para maiwasan at malunasan ito:

1. Subukan alamin at iwasan ang mag-trigger – Ang mga posibleng sanhi ay pagbabago ng temperatura, pag­papawis at stress. Iwasan ding madikit ang balat sa mga wool na tela at mga matatapang na sabon na panligo at panlaba.

2. Maglagay ng anti-itch cream o calamine lotion sa apektadong balat – Nagbibigay ang doktor ng 1% hydrocor­tisone cream na pangtanggal ng kati. Maaaring uminom ng anti-allergy na tableta kung sobra ang pangangati.

3. Iwasang kamutin ang sugat – Takpan ang parte ng balat na makati kung hindi mapigilan ang pagkamot. Gupitin din ang kuko at magsuot ng gloves sa gabi bago matulog para hindi makalkal ang sugat.

4. Maglagay ng cold compress – Kung babalutin ang bahagi ng balat ng bandage, makatutulong ito para maprotektahan ang balat.

5. Maligo ng maligamgam na tubig. Pumili ng mild soap na walang amoy – Siguruhin na mabanlawang maigi ang buong katawan.

6. I-moisturize and balat – Gumamit ng oil o cream para manatili sa balat and moisture. Gawin ito pagkatapos maligo.

7. Magsuot ng damit na malambot at presko sa pakiramdam – Iwasang magsuot ng magaspang, masikip at makati. Magpatingin sa doktor kung masakit o may impeksyon sa balat.

* * *

Paggamot sa ingrown toenail (kuko sa hinlalaki)

Ang ingrown toenail ay ang pagtubo ng malambot na balat sa gilid ng hinlalaki sa paa. Ang resulta nito ay masakit, mapula, namamaga sa palibot ng kuko at kung minsan ay mayroong impeksyon.

Dahil ito sa maling pag-usbong ng kuko kung saan nagsugat ang balat ng paa. Puwedeng ang pinagmulan ay pagsusuot ng masikip na sapatos, paggupit ng kuko ng sobrang ikli o hindi pantay, at nasobrahan ng gupit ng kuko sa pedicure.

Kung hindi gagamutin ang ingrown, ang balat ng daliri at pati ang buto ay maaaring maimpeksyon.

Maaaring gamutin sa bahay ang ingrown toenail. Ganito ang mga gagawin:

1. Ibabad ang paa sa maligamgam na tubig na may halong asin. Sa bawat isang palangganang tubig maglagay ng 1 kutsaritang asin. Ibabad ang paa ng 15-20 minuto 3 beses kada araw. Ang pagbabad sa tubig ay nakababawas ng pamamaga at nakapagpapaginhawa sa sakit.

2. Maglagay ng cotton o tela sa ilalim ng daliri sa paa. Gumamit ng malinis na bulak o dental floss sa ilalim ng ingrown pagkatapos ibabad sa tubig na may asin. Makatutulong ito para ang kuko ay tumubo sa ibabaw ng gilid ng balat at hindi pumasok ulit sa balat. Palitan ang bulak o floss araw-araw hanggang sa mawala ang sakit at ang pamumula ay mawala.

3. Pahiran ng antibiotic. Maglagay ng antibiotic ointment sa sugat. Puwedeng balutan ng bandage.

4. Pumili ng malambot na sapatos o tsinelas. Magsuot muna pansamantala ng sapatos na bukas ang harapan o sandals hanggang sa gumaling ang daliri sa paa.

5. Bantayan ang mga paa. Kung mayroong diabetes, i-check ang mga paa araw-araw dahil ang ingrown at iba pang sugat sa paa, ay maaaring senyales ng diabetes.

6. Kung ang ingrown ay sobrang sakit o kumakalat ang sugat, ang doktor ay maaaring gumawa ng mga hakbang para guminhawa ang pakiramdam at maiwasan ang kumplikasyon.

DR. WILLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with