^

PSN Opinyon

Ang naudlot na pagpapakasal ni PNoy at iba pang rebelasyon

BROAD CAST - Jing Castañeda - Philstar.com
Ang naudlot na pagpapakasal ni PNoy at iba pang rebelasyon
Caption: (L – R) PNoy’s barkada: Former PAGCOR Chairman Bong Naguiat, Romy Mercado, former Pres. Noynoy Aquino, Former Energy Sec. Rene Almendras

Bago maging presidente, nagsilbi munang kongresista at senador si Benigno Simeon C. Aquino III. Sa simula palang ng kanyang karera sa pulitika noong 1998, nakilala na sya ng mga malalapit sa kanya bilang “simpleng tao.”  Nadala niya ito hanggang sa naging pangulo na nga siya noong 2010.

Nasaksihan ko mismo ang kabaitan at pagiging mapagkumbaba ni PNoy sa aking mga coverage, mula sa kanyang pagtakbo hanggang sa kanyang pagkakahalal. 

Sa paggunita sa buhay ng namayapang dating pangulo, nakakwentuhan kong muli ang pinakamalalapit kay PNoy. Sa dalawang espesyal na episodes ng “Pamilya Talk,” inalala nila kung ano at sino nga ba si Noynoy, hindi lang bilang boss kundi pati na rin bilang tao.

Hayaan ninyong ipasilip namin sa inyo ang aming nakatutuwang throwback session, kasama na ang ilang mga rebelasyon, katulad ng kanyang naudlot na pagpapakasal noon!

Mapapanood ang kabuuan ng aming "Remembering PNoy" series sa aking Facebook (fb.com/TitaJingCastaneda) and YouTube (youtube.com.JingCastaneda) accounts.

Romy Mercado, isa sa mga pinakamalalapit na kaibigan ni PNoy:

“Pagka-gusto nya mag-unwind, tatawag sya.  Sa gabi na ito, mga 8pm, pag tapos na ang araw niya. Kakain kami. Kung saan malapit lang sa Palasyo. Minsan, twice a week.

Life Savers yung favorite candy brand nya. Bilin nya lagi sa wife ko, kay Margie, pag papunta kami sa Amerika. ‘Saka yung kanyang  seasoning, lagi rin syang nagpapabili nun na gustong gusto nyang nilalagay sa kahit anong ulam o kanin. Siya rin lang ang alam ko na pati yung lasa ng softdrink na Coke, ‘pag nasa labas kami ng Pilipinas, sasabihin nya, ‘Iba ang lasa dito. Sa Malaysia, iba. Sa Thailand, iba.’ So minsan gusto nyang nagdadala (ng Coke na binili sa Pilipinas), kahit ilang lata lang. Yun pang isang favorite niya, yung Heinz 57 na ketchup niya.

Mahilig siyang magpasaya ng tao, so ‘pag hindi niya mapasaya, kikilitiin ka niya—pati staff nya! Gusto lang niyang nakikitang masaya ang mga tao.

What I admire most about him? Noy’s love for country. I saw that even from way, way back. Lalo na nung naging politician na siya, talagang dinidbdib nya yun.

He always loved his family and mentioned how he’d take care of them—always the four sisters. Yung kanyang malasakit, pagmamahal sa kanila—he would always think of them.

And also the way he loved his friends—maybe that’s the one thing that ako, I would treasure most. Plus the way he cared for us including our own families.”

Jiggy Cruz, pamangkin ni PNoy sa kapatid na si Ballsy Aquino-Cruz:

“He liked making things light. Naalala ko, may isang candy from Japan na sobrang asim, ‘tapos biglang tatamis siya as you kept consuming it. So, parang tsi-na-challenge niya kami ni Miguel (Abellada). One time, sabi niya, ‘Oh, yung hindi dudura nung candy, may prize! So yun, yung mga ginagawa namin as kids.

‘Tapos mahilig talaga siyang magpakain. Kunwari, Sunday afternoon sa Times St. Nung mga bata pa kami, manlilibre na lang bigla yan. Oh, he called me Justin, so, ‘Justin, Tropical Hut!’ Yung classic burger talaga ang favorite niya. Mag-o-order siya for everyone. Simpleng tao talaga.

I admire how he became protective of his family. Kunwari, wala yung parents namin and kahit hindi ibilin ng mom ko na, ‘Noy, look out for the kids,’ he’d always check up on us about everything. ‘Okay pa ba kayo?’ Mga ganyan. He will not show it pero if his family needs help, he would always be there. Kahit anong mangyari. Siyempre, country first pero he’ll always prioritize family after that.

I also admire his simplicity. If my Lola was the simplest woman, Tito Noy siguro yung simplest man. Walang luho and simple lang talaga yung kaligayahan nya. Masaya na sya sa regular Coke at chicharon.”

 

Kim Henares, Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner noong administrasyon ni PNoy na ka-bonding din niya sa target shooting:

“He had a favorite Korean restaurant. One day, he wanted to go and eat dinner there. When his advance team went there, there were all these streamers that said, ‘This restaurant is closed by the BIR.’ His advance didn’t know what to tell him. They just took a picture (of the streamers) and sent it to him. I don’t know if he was joking, but he just sent me a message to tell me then that I should learn how to cook Korean food! Sabi ko naman, ‘Hayaan nyo. Mag-aaral akong magluto ng Korean food!’

PNoy had a sincere and deep concern for his people. I think that’s what we are all missing. That’s one good thing he was a very good example of. And now that he’s not here, maybe we can learn from that.

The other thing, that man was very clear with what’s right and wrong. He was very principled and he would do what he thought was right, whether it was unpopular or not. It was very clear to him that he was there, holding all these money and trust for the Filipino people. And that he shouldn’t waste any single centavo. If we were to spend something, make sure that it goes a long, long way. If there are many alternatives, we should choose the alternative the would give the biggest benefit to the Filipino people.”

Ali Sangalang, isa sa naging speechwriters ni PNoy:

“Nag-start ako kay Sir nang 23 years old. Yung age group ng speechwriters nya from 21 to 29 years old lang. Yung magandang legacy ni Sir sa ‘kin ay yung pagsasalita niya at pagsusulat in FIlipino. Nung panahong yun, naghahanap talaga siya ng young Filipino writers. Specific talaga to Filipino—Tagalog! Nagkataon naman na marunong akong magsulat in Filipino. Kaya rin ako nandun dahil binigyan kami ng opportunity ng opisina at ultimately ni Sir PNoy—na pagbigyan yung mga bata na maging parte ng team nya. Napagbigyan kaming makapag-ambag at magamit yung talent at energy namin.

Magugulat kayo na lahat ng speeches niya dumadaan sa kanya. Lahat! Nilalapit namin sa kanya ang speaking engagements niya at nagbibigay sya ng inputs niya kada isa. Tapos isusulat namin. Tapos dadaanan niya ulit yun bago sumalang. Minsan nandun nasa convoy na, may corrections pa!

So, kailangan talaga magaling kami sa biyahilo! Nasa van kami na rumaragasa, o nasa eroplano o helicopter kami, so sanay kaming mag-edit kung saan man.

Yung pinakamatinding experience namin, nasa France kami sa harap ng business groups. Nag-yosi sya saglit sa labas ‘tapos pinatawag kami. May pina-edit na isang chunk sa speech. Ang naging deadline namin: Pagkaubos ng isang yosi nya!”

Jo Anne Haber, dating miyembro ng Presidential Management Staff ni PNoy:

“Lagi nyang sinasabi sa kin, ‘Jo, hindi pwedeng basta lang. Hindi pwedeng pwede na. Kailangang ibuhos mo lahat ng makakaya mo, lahat ng nalalaman mo’t kaya mong ibigay. At masasabi mo sa sarili mo na, ‘Nagawa ko yung parte ko.’ Kung kulang man, babawi ka nalang sa susunod, kasi nobody’s perfect naman talaga.’

Tinuro niya sa ‘kin yung value system. Malinaw na may mali at may tama. Kasi kung hindi ganoong kaklaro yun sa yo, madali kang maimpluwensyahan. Yung value system nyo yung magiging guiding light nyo sa bawat aksyon, sa bawat desisyon para makagawa ng tama.

Lagi niyang sinasabi sa kin, ‘Lahat may magagawa. May ambag ka! Hindi ka maliit. Kahit ano ang posisyon mo sa bureaucracy or sa hierarchy ladder, meron kang ma-ko-contribute. Lagi ko tong dinadala sa lahat ng opising pinagtrabahuan ko after him. Yun yung mga bitbit kong mga aral galing sa kanya.”

 

--

Please watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 5:30-7:00pm Monday, Tuesday & Wednesday). Please share your stories or suggest topics at [email protected]. You can also follow and send your comments via my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTwitter,  and Kumu.

BENIGNO AQUINO III

NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with