^

PSN Opinyon

Masamang dulot ng alak

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING beses nang napatunayan na ang sobrang pag-inom ng alak ay masama sa katawan at moralidad ng tao. Ang pag-inom ng alak ay may buti rin sa katawan kung katamtaman lamang pero ‘pag sumobra kapahamakan ang patutunguhan.

Gaya nang nangyaring barilan sa Manila Police District Headquarter’s noong Biyernes ng gabi. Ayon kay MPD director BGen. Leo Francisco pumasok si PEMS Reynante Dimasupil sa headquarter’s dakong 10:00 ng gabi na lasing na lasing at sapilitang pumasok sa tanggapan ng District Police Intelligence and Operation Unit (DPIOU) at dinistrungka ang cabinet na pinaglalagyan ng mga baril.

Ayon pa kay Francisco, mahigpit ang kanyang tagubilin sa mga pulis na bawal pumasok nang lasing sa headquarters. Ang masama hindi ito na tsek ng mga pulis­ na bantay sa main gate si Dipasupil dahil naka-face mask kung kaya hindi gaanong naamoy na lasing.

Nang makakuha ng armas si Dipasupil ay nagtungo sa Director’s Office sa second floor at nang mapansin na may mga naka-duty na police, binaril nito ang salamin na papasok sa tanggapan ni Francisco. Matapos ay bumaba ito at doon na nakabarilan si PEMS Romeo Cantal at PSSg. Codova.

Nabaril din si Dipasupil ng mga nagrespondeng Special Weapon and Tactics. Agad namang isinugod sa Manila Doctor’s Hospital sina Cantal, Coldova at Dipasupil.

Namatay sina Cantal at Dipasupil habang inooperahan. Sa ngayon ay pinaiimbesigahan na ni Francisco ang pangyayari upang malaman ang tunay na motibo kung bakit nakipagbarilan si Dipasupil.

Maging aral sana ang pangyayaring ito sa mga pulis na ang sobrang pag-inom ng alak ay hindi nakabubuti. Hindi masamang uminom ng alak, basta gawing katamtaman.

ALAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with