^

PSN Opinyon

Batang testigo sa ginahasang yaya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

 (Last part)

Sina Rikki, Butch at Leo ang nakita ng batang si Sunshine na gumahasa at pumatay sa yayang si Mira at sanggol na si Kael. Tumestigo naman si Liezel (ina ni Kael) kung paano natagpuan ang mga biktima at agad humingi ng saklolo. Samantala, si Nida naman ay tumestigo na pag-alis niya ng bahay bandang 7:30 ng umaga, nakita niya si Rikki sa harap ng bahay nito na nakikipag-inuman kina Butch at Leo. Pagkatapos ay naitanong na lang niya sa isa pa niyang apo kung ano ang nangyari kina Mira, Kael at Sunshine.

Sa tulong ng mga eksperto sa ospital na kinuha ng korte at magkabilang-panig ay tumestigo sa korte si Sunshine at itinuro ang tatlong akusado na sina Ricky, Butch at Leo mula sa police line-up ng 10 tao. Sila raw ang pumasok sa bahay nang mangyari ang insidente. Si Rikki ang pumukpok sa ulo ni Kael at si Butch naman ang dumamba kay Mira saka ito ginahasa.

Tumestigo rin ang mga pulis na gumawa ng imbestigasyon sa kaso at nakasaksi nang kilalanin ni Sunshine ang tatlong akusado. Kahit ang piskal na gumawa ng paunang imbestigasyon ay tumestigo rin sa pagkilala ni Sunshine sa mga akusado.

Sa kanilang depensa, ang sinasabi lang nina Rikki, Butch at Leo ay hindi sila nakilalang maigi ni Sunshine. Wala raw sila sa lugar nang mangyari ang krimen. Si Rikki raw kasama ng misis nito ay nasa ibang bayan samantalang si Butch ay nasa isang restawran, kumakain at nakikipagsaya sa ibang tao. Si Leo naman daw ay nasa isang bar kasama ang tatlong kaibigan at buong araw na umiinom noong nangyari ang insidente hanggang kinaumagahan.

Hinatulan ng mababang hukuman ang tatlong akusado. Kamatayan para sa ginawa nilang paggahasa at pagpatay kay Mira; reclusion perpetua o habambuhay na pagkakulong sa pinagplanuhan nilang pagpatay kay Kael at 13 taon hanggang 17 taon at 4 na buwan na pagkakulong sa frustrated murder kay Sunshine.

Sa awtomatikong pag-akyat ng kaso sa Supreme Court, ikinakatwiran lang ng mga akusado na hindi lubos na napatunayan na ginawa nila ang krimen dahil hindi sila ganap na nakilala ni Sunshine.

Nang ipasa ng SC ang kaso sa CA ay hindi nabago ang hatol sa tatlo bagaman binawasan ang parusa, imbes na kamatayan ay reclusion perpetua na lang ang ipinataw para sa rape with homicide at 10 taon isang araw hanggang 17 taon at apat na buwan para sa kasong murder at pinagbabayad ang tatlo ng danyos (civil indemnity, moral damages, exemplary damages).

Pareho ang naging hatol ng SC. Napatunayan nito ng walang pag-aalinlangan na nagkasala ang tatlo. Ayon sa SC, may kakayahan naman na tumestigo ang isang bata maliban kung mapatunayan ng korte na walang sapat na kakayahan ang bata para sumagot tungkol sa kanyang nakita/narinig. Nag-imbita ang korte ng mga eksperto upang tumestigo tungkol sa cerebral palsy at ang kakayahan ng isang tulad ni Sunshine na sumagot tungkol sa kanyang mga nasaksihan.

Nakita ng korte na magkakatugma ang sinasabi ni Sunshine tungkol sa pagkakakilanlan ng tatlo. Karaniwan din na kinakatigan ng SC ang desisyon ng mababang hukuman at ng CA kung base sa batas at sa napatunayan lalo at pareho sila ng hatol.

Gayundin, walang binatbat ang palusot na alibi sa harap ng positibong pagtuturo sa kanila ni Sunshine.  Isa pa, hindi naman imposible na wala sila sa lugar na pinangyarihan ng krimen dahil nasa kalapit lang silang lugar. Kaya pareho rin ang naging desisyon ng SC at dinagdagan pa nga ang pinababayaran na danyos (People vs. Golidan et. Al., G.R. 205307, January 11, 2018).

vuukle comment

KAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with