^

PSN Opinyon

Salyahan sa DMIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SAAN kaya humihiram ng kapal ng mukha ang tiwaling miyembro na tinaguriang “Three kings” na walang ginawa sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) kundi ma­nalya ng mga pasahero palabas ng Philippines my Philip­pines partikular ang mga Pinoy na gustong mag-abroad. Take note, DOJ Secretary Menardo Guevarra at Sen. Risa Hontiveros.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaking halaga ng salapi ang ibinibigay kay “Three Kings” at sa kanyang tatlong itlog basta makalabas ng DMIA at makasakay ng eroplano ang isinalyang Pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang Pinoy ang isinasalya ni “Three Kings” kundi pati mga Koreano na gustong pumasok sa Philippines my Philippines. Sa halagang P100,000 each ginagawan nila ito ng paraan na married to a Filipino para makapasok sa DMIA. Paging IATF, NBI at PACC pakikalkal nga ang report.

Totoo kaya ito?

“Ano kaya ang masasabi rito nina BI bossing Mam Lapid at Gary Baltazar?” tanong ng kuwagong taga-mental.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang tatlong itlog na alalay ni “Three kings” sa katiwalian ay sina alyas “Prinsesa”, siyota ng kamoteng tirador; alyas “Duguin” at isang alyas “A-son”. Take note, Sen. Risa Honti­veros, your honor!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sarado ang operasyon ng human smuggling sa NAIA terminals sa ngayon kaya sa Clark diumano nagsipunta ang mga ahente ng illegal recruiters na may konek kay “Three kings” para doon ipagpatuloy ang kagaguhan.

Naku ha! Totoo kaya ito?

Si “Three kings” ay may dati ng kaso sa BI pero nagtataka ang mga kasamahan kung sino ang padrino nito para gumawa ng human smuggling,’’ sabi ng kuwagong taga-BI na kasama sa grupo nang binukulan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkakamal ng malaking salapi ang grupo ni “Tree kings” Clark. Ika nga, lagum diumano ang perang nakokolekta sa katiwalian?

Bakit?

Matagal na umano ang operasyon dito ng salyahan?

Abangan.

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with