^

PSN Opinyon

EDITORYAL - I-monitor estado ng pag-iisip ng mga pulis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - I-monitor estado ng pag-iisip ng mga pulis

Noong Disyembre 20, 2020, maraming na-shock nang mapanood ang video nang malapitang pagbaril ni Senior MSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Hindi pa nasiyahan, binaril pa uli ng pulis kahit nakabulagta na ang mga biktima. Nag-ugat ang pagpatay nang sawayin ni Nuezca si Anthony sa pagpapaputok ng ‘‘boga’’. Maski si President Duterte ay nagimbal nang mapanood ang ginawa ni Nuezca. ‘‘Buwang’’ o may sira sa ulo aniya ang pulis at iniutos na agad kasuhan. Sabi pa ng Presidente, paano raw nakapasa sa neuro-psychiatric tests ang pulis.

Noong Mayo 31, 2021, isang lasing na pulis ang bumaril at nakapatay sa 52-anyos na babae sa Greater Fairview, Quezon City. Bibili ng sigarilyo ang biktimang si Lilybeth Valdez nang komprontahin ng pulis. Nakaaway umano ni MSgt. Hensie Zinampan ang anak ni Valdez. Sinabunutan ni Zinampan si Valdez at binaril sa leeg. Naipon daw ang galit ng pulis kaya binaril ang biktima. Kinasuhan na ang killer na pulis.

Ang nangyaring pagpatay at iba pang problema ng mga pulis ang nagpasidhi kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar para ipag-utos sa mga Chief of Police na i-monitor ang kalagayan ng isip ng kanilang mga tauhan. Dapat matutukan ng hepe ang mga tauhan na sumasabak sa mental, emotional at physical stress.

Binigyang-diin ni Eleazar na sakaling may napansin na kakaibang ikinikilos ang mga pulis, nararapat na mabigyan ito ng agarang aksyon. Kaila­ngang mapatingnan agad para maiwasan ang paglubha ng karamdaman. Hindi dapat ipagwalambahala ang mga hindi magandang ikinikilos ng mga pulis. Ginawang halimbawa ni Eleazar ang bigong pagpapatiwakal ng isang pulis sa Rosario, Cavite na natagpuang sugatan sa boarding house makaraang magbaril sa sarili.

Sabi ni Eleazar, isasailalim sa regular na neuro-psychiatric exams at psychological counselling ang mga pulis. Kung dati, ginagawa lang ang neuro-psychiatric kapag papasok sa serbisyo ang mga pulis, ngayon ay gagawin nang madalas.

Tama ang hakbang na ito. Mahalaga ito para malaman ang estado ng pag-iisip ng mga pulis. Nasa panganib ang mamamayan kapag ang mga pulis ay wala sa normal na pag-iisip.

JONEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with