^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kahit patayin hindi aatras

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kahit patayin hindi aatras

May dalawang barko ng Pilipinas na nagpapa­trulya ngayon sa Pag-asa Island at Mischief Reef. At sabi ni President Duterte hindi niya paaatrasin ang dalawang barko kahit katiting na pulgada. Ito raw ay kahit patayin siya ng China. Dito raw matatapos ang pagka­kaibigan.

Magandang marinig ito sa Presidente at sana hindi ito joke. Dapat malaman ito ng China na ipinaglalaban pa rin ang karapatan sa pinagtatalunang teritoryo. Kahit dalawang barko lang ang naroon, kahit paano may nagbabantay sa galaw ng China na daan-daang barko na ang naglipana sa West Philippine Sea (WPS).

Maraming naghihinala na kaya sandamukal ang mga barko ng China sa WPS ay mayroon na naman silang ginagawang istruktura sa mga bahura. Noong 2014, pitong artipisyal na isla ang ginawa nila sa ina­angking teritoryo at ginawang military facilities. Nilagyan nila ng mga runway para sa deployment ng kanilang fighter jets,

Mabilis silang gumawa ng istruktura sa mga reefs. Iglap lang ay mayroon nang mga pasilidad. At ito ang ikinatatakot nang nakararaming Pilipino na baka magi­sing na lang isang umaga ay angkin na ng China ang mga isla sa WPS at may mga istruktura na. Kaya mahalaga na mayroong nagbabantay sa mga naipanalong te­ritoryo. Noong 2015 nanalo ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na nagsasa­bing may sovereign rights ito sa West Philippine Sea at ang sinasabi ng China na “nine-dash line” ay invalid.

Sana nga totoo ang sinabi ng Presidente na hindi niya paalisin ang mga barko ng Pilipinas na nagpapatrulya sa WPS. Ito ang unang pagkakataon na kinampihan niya ang pagpapatrulya ng mga barko ng Pilipinas. Madalas ay lagi niyang sinasabi kapag napag-uusapan ang pambu-bully ng China o ang pamamalagi ng mga barko nito sa WPS ay wala siyang magagawa ukol dito. Inutil daw siya. Sabi pa niya, hindi niya kayang makipag-away sa China kung dahil lamang sa mga isda na nahuhuli sa WPS. Nagrereklamo kasi ang mga Pinoy fishermen dahil wala na silang nahuhuli dahil sa presensiya ng daan-daang barko ng China. Malaki raw kasi ang utang na loob ng Pilipinas sa China at isa na ang mga donasyong bakuna.

Mabuti at nagsalita na ang Presidente na kahit katiting ay hindi niya paaatrasin ang mga barko ng bansa sa Pag-asa Island at Mischief Reef. Kung ganito na ang kanyang paninindigan, dapat dagdagan pa ang mga barko roon para mabatid ng China na may pumapalag na sa kanilang paghahari-harian sa WPS. Mayroon na ring handang mamatay para rito.

REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with