^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malulunod sa plastic na basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Malulunod sa plastic na basura

Mahigit isang taon na ang pandemya. At sa tagal nito, marami ring na-produce na plastic na basura. Hindi maipagkakaila na naging dependent na sa plastic ang mga tao. Ang masaklap, ang mga basurang plastic ay makikitang lulutang-lutang sa dagat at mga estero. Sinisira ang kapaligiran at pati na rin ang mga lamandagat. Marami nang patay na balyena ang napadpad sa mga dalampasigan. Ang dahilan ng kamatayan: Nakakain sila ng mga plastic na basura.

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga nagpo-produce ng plastic nang mag-lockdown sa Luzon noong nakaraang taon. Bawal ang kumain sa mga restawran kaya pawang take-out ang pagkain. Pawang food delivery ang inasahan. Pawang sa plastic tray inilalagay ang mga order na pagkain. Naging abala ang mga plastic manufacturer sa paggawa ng mga plastic food tray. Habang ang ibang pabrika o mga kompanya ay tumigil sa produksiyon, ang mga plastic company ay tuluy-tuloy dahil kailangan ng mga restaurant para sa mga nagti-takeout ng pagkain.

Hindi lang plastic food trays ang naging in-demand ngayong may pandemya kundi pati na rin ang kutsara at tinidor, cup straw, stirrer at iba pang single-use plastic. Ang masaklap, ang mga plastic na ito ang nagdudulot ngayon ng problema sa kapaligiran. Dahil abala ang pamahalaan sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19, nakakaligtaan na ang pangangalaga sa kapaligiran.

Mayroon bang ginagawang hakbang ang Department of Environment and Natural Resources para mapigilan ang mga walang disiplinang nagtatapon ng mga basurang plastic sa mga estero na humahantong sa dagat. Mayroon ba silang plano na ipagbawal ang paggawa ng mga single-use plastic para mapigilan ang plastic pollution.

Sa mga lungsod sa Metro Manila, tanging ang Quezon City ang may batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics. Nagsimulang ipinatupad ang batas noong Marso 1 ng taong ito. Sana gayahin ng iba pang lungsod ang ginawa ng Quezon City para mabawasan ang plastic na basura.

Nagbabala ang mga environmentalists na malulunod sa basurang plastic ang Metro Manila kapag hindi gumawa ng aksiyon ang pamahalaan. Ibawal ang plastic at magkaroon ng disiplina ang mamamayan sa pagtatapon ng basura. Iligtas ang kapaligiran sa plastic pollution.

PANDEMYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with