^

PSN Opinyon

Gov. Victor Yu, challenge accepted! Handa ka na ba?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtatanong kung bakit nakakaladkad ang pangalan ni Zamboanga del Sur Gov. Victor Yu sa ipinalabas ng Bitag na “Nagreklamo, binugbog, kinulong… pobreng pasyente pinagtulungan ng pulis at ospital.”

Let’s get it straight! Nasa pangangasiwa ng provincial government, sa ilalim ng gobernador ang inire-reklamong Zamboanga del Sur Medical Center.

Linawin ko muna, hindi nagkulang ang BITAG sa pagsisikap na makuha ang panig ng mga inirerekla-mong doktor. Ginawa namin ang “due diligence” para makipag-ugnayan at ipaalam ang reklamo sa tanggapan ni Governor Yu.

Para sa kaalaman ng lahat, eto ang  pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari:

May 5 (Miyerkules ng gabi): Ang asawa ni Gov. Yu na si Cong. Divina Grace Yu, sa pamamagitan ng kanyang Chief of Staff na si Atty. Pinky ay tumawag sa isang BITAG staff.

Ipapakausap daw nila ang mga inirereklamong doktor ng Zamboanga del Sur Medical Center.

Pasado alas-nuwebe, tumawag si Dr. Anatalio Cagampang sa aming VP for Finance and Administration.

Hinikayat si Dr. Cagampang ng aming VP for Finance and Administration na magpa-interview na sa aming BITAG investigators. O di naman kaya ay direkta na sa akin sa programang Bitag Live.

Subalit tumanggi si Dr. Cagampang, ‘wag na lang daw. At ‘wag na lang din daw sabihin sa akin na tumawag siya. Wala na itong iniwang ibang mensahe.

May 6 (Huwebes): Simula tanghali hanggang hapon ay sinikap ng Bitag Investigative Team na   kontakin na si Governor Yu matapos ang kanilang “initial contact” sa BITAG noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa aming investigator, masama ang signal habang nasa linya si Governor Yu kaya kusang naputol ang tawag. Ilang tangka pa ang ginawa ng BITAG na makausap si Gov sa pamamagitan ng text at mga tawag – may call logs ang BITAG nito maghapon.

Hindi na sumasagot si Governor Yu sa mga tawag ng BITAG Investigative Team, on-cam at off-cam.  Sa isang lokal na media, sa Facebook page ay nakita na lamang ng BITAG na nagbigay ng pahayag ang gobernador.

Marami raw kuwentong hindi kapani-paniwala ang biktimang nagrereklamo sa amin. Pinapayuhan niya ang biktimang tigilan na ang kuwento dahil marami na raw apektadong doktor ang ospital.

Hinamon din nito ang BITAG na kung gusto ng  “fair investigation” ay dapat magpunta ang BITAG sa Zamboanga at doon mag-imbestiga.

Well Gov. Victor Yu, challenge accepted! Ang tanong, handa ka na ba?

VICTOR YU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with