^

PSN Opinyon

Vax OTG ng Makati, handog sa mga PWD at may malubhang sakit

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nitong nakaraang Biyernes, binuksan sa Circuit Makati Estates grounds ang site ng kauna-unahang Vaccination On-The-Go (VAX OTG) Program sa Kalakhang Maynila. Sa ibang bansa ay drive through vaccination site ang tawag dito.

Lubos akong nagagalak na makitang ang mga persons with disabilities (PWD) at Makatizens na bedridden­ ay maturukan ng napakahalagang bakuna laban sa CO­VID-19. Naniniwala ako na habang mas maraming #ProudMakatizens ang nababakunahan, mas mabilis tayong magkakaroon ng tinatawag na “herd immunity” sa ating komunidad, kung saan mas titibay ang ating mga katawan laban sa coronavirus.

Hindi po naging madali ang pagse-set up ng ganitong klaseng vaccination site. Hindi biro ang logistics, planning, at paghahanda na kinailangan para maisakatuparan ito. Salamat sa nakapabuting puso ng pamunuan ng Ayala Malls Circuit sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod para sa higit na epektibo at tunay na inclusive na #BakunaMakati program.

Halos 100 indibiduwal ang nabakunahan at magpapa­tuloy ang programang ito sa mga susunod na araw.

Ang VAX OTG site ay dinisenyo upang nasa loob ng sasakyan ang mga indibiduwal na sasailalim sa bawat hak­bang o procedure ng vaccination. Espesyal na konside­ras­yon ito para sa mga Makatizen na hindi na kayang tumayo at maglakad papunta sa mga regular na vaccination site tulad ng Makati Coliseum. Kapag sa VAX OTG site sila pumunta ay maaari silang bigyan ng bakuna sa loob ng kanilang sasakyan.

Simula nang buksan namin ang registration para sa #BakunaMakati ay marami na kaming natanggap na request para ma-accommodate ang mga pasyenteng bedridden at mga PWD. Naisip namin na imbes na magbahay-bahay ay mag set-up ng VAX OTG site upang mas maraming tao ang mabakunahan sa isang araw.

Tulad ng sa regular vaccination site, mayroon ding schedule at confirmation na matatanggap ang bawat indibwal na babakunahan. Ang kaibahan lamang ay puwede silang samahan ng kanilang pamilya at sa loob na lang ng sasakyan gagawin ang pagbabakuna at monitoring pagkatapos.

Makakaasa kayo na mas magiging masigasig pa ang Makati sa pag ro-roll-out ng ating mass vaccination program. Patuloy ding dumarating ang mga bakuna mula sa ibang bansa kaya bumibilis at dumarami ang mga nabibigyan nito.

Noong nakaraang linggo, nakatanggap kami ng 3,000 doses ng Sputnik V vaccine mula sa pamahalaan. Agad din naman itong ipinamahagi sa mga senior citizen at high risk individuals o yung mga may comorbidities.

Nais ko ring kunin ang pagkakataong ito para purihin at magpasalamat sa ating mga healthcare service providers na walang pagod at buong pusong naglilingkod sa #ProudMakatizens araw-araw sa vaccination sites. Dahil sa inyong dedikasyon kaya umaani ng papuri at komendasyon ang #BakunaMakati program.  Saludo po ako sa inyo!

OTG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with