^

PSN Opinyon

OsMak 2: Abangan ang pagbubukas

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Sa panahon ngayon, marami ang tumatangkilik sa public health system na kinabibilangan ng mga pampublikong ospital. Ang karaniwang dahilan: hindi abot-kaya ang presyo ng mga serbisyong medikal sa mga pribadong ospital at iba pang health care facility. Dahil dito, dinadagsa ang Ospital ng Makati sa Barangay Pembo sa District 2 hindi lamang ng Makatizens ng District 1, kundi pati mga residente ng karatig-bayan at lungsod.

Sa mga Makatizen ng District 1 na nahihirapang magpunta sa OsMak lalo na ngayong may pandemya, may magandang balita ako. Sa wakas ay magbubukas na rin ang bagong Ospital ng Makati (OsMak 2) sa Malugay, Barangay Bel-Air.

Nitong Marso, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance No. 2021-021 na nagbibigay pa­hintulot sa akin na lagdaan ang Public-Private Partner­ship (PPP) agreement sa pagitan ng lungsod at ng Life­Nurture Inc. para sa konstruksyon, operasyon, at panga­ngasiwa ng OsMak 2.

Sa ilalim ng kasunduan, lalagyan ng modernong ka­ga­mitan at pasilidad ang OsMak 2 at kukuha ng mga dalub­hasang doktor at mahuhusay na medical personnel upang magbigay ng moderno at dekalidad na serbisyong medikal sa mga mamamayan ng Makati, lalo na sa mga nasa unang distrito.

Ikinagagalak ko ring ibalita na walang anumang gagas­tusin ang lungsod sa OsMak 2 batay sa napagkasunduan kasama ang LifeNurture Inc. Sagot nito ang mga ita­tayong state-of-the-art facilities sa ospital alinsunod sa tinagurian naming “P-T-R vision” o Preventive Medical Ser­vices, Therapeutic Excellence and Rehabilitation Services. Kabilang dito ang Cancer Center, Cardiac Center at Phy­sical Rehabilitation Medical Center.

Ang Cancer Center ay pangangasiwaan ng isang multi-specialty team gamit ang pinakamahusay na kagamitan tulad ng linear accelerator for radiation treatment. Ang Cardiac Center naman ay magkakaroon ng cardiac catheterization lab for angiography, open heart surgery, at organ transplantation surgeries. Samantala, ang Physical Rehabilitation Medical Center ay gagamit ng robotics sa paggamot ng joint at soft tissue ailments.

Magkakaroon din ang OsMak 2 ng isang hybrid operating room, isang silid kung saan pinagsama na ang diagnostic imaging at surgical theater para sa complex surgeries. Upang mapababa ang infection risks, magkakaroon ito ng certified heating, ventilation, and air-conditioning (HVAC) system para sa malinis at germ-free environment.

Nakatakda ring magkaroon ng modernong Wellness Center ang OsMak 2. Dito isasagawa ang comprehensive examinations para sa pagpigil o maagang pag-detect ng mga malulubhang sakit.

Ang lahat nang ito ay maisasakatuparan na rin dahil sa pagsuporta ng 13 konsehal na bumoto pabor sa City Ordinance No. 2021-021, at sa kahandaan ng LifeNurture sa pamumuno ni Dr. Dennis Sta. Ana, na makabalikat ng Makati sa pagbibigay-katuparan sa aking pangakong palawakin at paunlarin ang serbisyong pangkalusugan para sa mimamahal kong #ProudMakatizens.

Sabay-sabay nating abangan ang pagbubukas ng OsMak 2!

OSPITAL NG MAKATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with