^

PSN Opinyon

Bakit nagkakaroon ng singaw; Tagihawat huwag tirisin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Mga 30% ng tao ang nagkakaroon ng singaw. Karamihan dito ay ang kababaihan mula 16-anyos hanggang 25-anyos. Kapag lumampas na sa 55-anyos, bihira na ito.

Bakit nagkakaroon ng singaw?

Hindi pa tiyak ang sanhi nito. Kadalasan, nag-uumpisa ang singaw sa isang sugat sa bibig. Puwedeng dahil sa matalas ang ngipin, may dental braces, matitigas na pag­kain, nakagat ang labi, at iba pa. May nagsasabi na baka kulang sa vitamin B at zinc. Posible ring may kaugnayan sa stress, pagkapuyat at maraming trabaho.

Mga payo para maiwasang magka-singaw:

1. Umiwas sa maaasim at maaalat. Hindi gamot sa si­ngaw ang calamansi, tawas at asin. Lalong lalala ang singaw. Umiwas din sa maaanghang at spicy na pagkain.

2. Umiwas sa matitigas na pagkain tulad ng banana chips, potato chips, at iba pa.

3. Piliin ang malambot na pagkain tulad ng lugaw para hindi masugatan ang singaw. Okay din ang pakwan.

4. Ang pagkain ng Yogurt dalawang beses maghapon­ ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng Yogurt at mababawasan ang sakit.

5. Bumili ng Solcoseryl Dental Ointment. Ipahid ito ng 3-5 beses sa lahat ng singaw. Nang nasubukan ko ito, ang laking ginhawa.

6. Kumunsulta sa dentista. Kung matalas ang iyong ngi­pin at madalas magsugat ang gilagid, patingnan sa dentista para ayusin ito.

7. Subukang magpalit ng toothpaste. May ibang tooth­paste na may halong sangkap na posibleng magdulot ng singaw.

8. Gumamit ng mouthwash. Ayon sa isang pag-aaral, baka makatulong din ang paggamit ng mouthwash. Napapatay nito ang mga bacteria at mikrobyo sa bibig.

9. Magpahinga at matulog ng sapat.

10. Uminom ng multivitamins na may vitamin B at zinc. Wala namang masama sa pag-inom ng vitamins.

11. Kung may kasamang sore throat o tonsils, puwedeng uminom ng antibiotics, tulad ng Amoxicillin 500 mg 3 beses sa maghapon sa loob ng 5-7 araw.

12. Kung pabalik-balik ang singaw at napakarami nito, magpa-check up sa doktor. Posibleng sintomas lang ang singaw ng iba pang sakit.

* * *

Pagtiris ng tagihawat, maaaring ikamatay!

Marami ang hindi nakaaalam na ang simpleng pagpisa o pagtiris ng tagihawat (pimples) sa mukha lalo na sa bandang ilong ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng isang tao. Bihira lang itong mangyari pero posible pa rin.

Ang artikulo ko ngayon ay base sa research ni Ourlad Tantengco at mga dalubhasang dermatologists.

Madalas na nakararanas ng paglabas ng pimples ang mga teenager at kadalasang pinuproblema kung paano ito mawawala.

Isang masamang kaugalian ang pagtiris ng mga pimples lalo na kung mayroon na itong mga nana. Ayon sa mga dermatologists ay dapat itong iwasan lalo na kung marumi ang iyong mga kamay kapag hinawakan ito.

Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga pinipisang pimples, maaari rin itong pagmulan ng impeksyon na maaaring kumalat sa iyong dugo papunta sa utak.

Dahil ang ilong ay nasa “danger triangle”, posibleng makapunta ang mikrobyo sa iyong utak at magdulot ng impeksyon doon.

Kapag marumi ang iyong kamay at pinisa ang pimples, maaaring pumasok ang mikrobyo mula sa iyong kamay at dahil ang ugat sa mukha ay dumidiretso sa utak, maaaring magdulot ng impeksyon sa utak.

Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pagkamatay.

Kadalasang makakaranas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod. Kapag nakaranas ng mga ito matapos putukin ang pimples sa mukha lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumunsulta agad sa doktor.

Paalalang muli: Huwag tirisin ang pimples at hayaan itong gumaling o matuyo.

SINGAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with