^

PSN Opinyon

Itokhang mga protektor ng illegal na droga

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Ang kampanya kontra illegal drugs ay hindi nagwawagi.

Karamihan sa mga nahuhuli at napaparusahan ay ma­liliit na “tulak” at hindi ang mga ulo ng sindikato at protector nito.

Bakit hindi baliktarin at unahin mula taas pababa? Hindi ba kayang tiyakin na ‘pag natokhang ang ulo at mga alipores nito ay maglalaho rin?

Sa Cordillera na lamang, hindi natitigil ang pagtatanim ng marijuana. May duda na rin ang kapulisan na pati high-grade kush ay maaaring itinatanim na rin sa mga kubling lugar.

May nalalaman na ang mga otoridad kung sino ang mga “ulo” at protector ng ilegal na negosyo sa rehiyon­. Maa­aring hindi nila alam na sa mga gawain nila bilang pulitiko, nagi­ging tagapagtaguyod sila ng gawaing ito na sumisira sa lipunan.

Kaya pag-isipang mabuti kung masasawata ba ang droga ‘pag naging batas ang House Bill No. 7814 ni Rep. Ace Barbers na nagpapanukalang “presumed guilty upon apprehension” ang mga protector ng droga.

Magbibigay diumano ng ngipin ang HB 7814 sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na sinusugan ng 188 mambabatas, tinanggihan ng 11 at siyam na walang paninindigan.

Naiintindihan ko ang pagtanggi ng ilan dahil sa takot na maabuso, subalit mas pabor kontra sa mga “malalaking isda” sa droga.

Ayon sa panukala, presumed guilty ang protector at ulo ng sindikato o may kinakasabwat na exporter o importer ng droga o kinakanlong ang mga ito. Nakakulong siya habang pinapatunayang mali ang paratang.

Pati may-ari ng mga building o pook kung saan may laboratory ng droga ay mapaparusahan ng 6-12 taong pagkakabilanggo at multang P500,000-P1 million.

Sa ganitong panukala, ang kritisismo sa drug war na ito ay anti-mamamayan dahil ang maliliit lamang ang napupuntirya at naglalaho.  Ang mga “malalaking isda” gaya ni Congressman ay makukulong na!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

TULAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with