^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isailalim lagi sa drug tests ang mga pulis

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isailalim lagi sa drug tests ang mga pulis

KUNG anu-anong krimen ang kinasasangkutan ng mga pulis ngayon na lalong nagpapababa sa imahe ng Philippine National Police (PNP). At kakatwang ginagawa ito ng ilang pulis kung kailan pa nilakihan ang kanilag suweldo at benepisyo. Ang isinukli nila ay paggawa ng kabuktutan. Sa halip na protektahan at pagsilbihan ang mamamayan, sila pa ang naghahasik ng takot dahil sa mga gina­gawang krimen.

Karaniwang kinasasangkutan ng mga pulis ay may kinalaman sa ilegal na droga. Karamihan sa kanila, protector ng drug syndicate. Mayroong mga pulis (karaniwang nasa drug enforcement unit) na ang mga nakukumpiskang shabu ay nire-recycle para kumita sila. Ibinabalik nila sa kalye. Ang ni-recycle ay muling huhulihin at walang katapusan ang kanilang pagkita ng pera sa ilegal na droga. Hindi na nakapagtataka kung bakit may mga pulis na kahit mababa ang ranggo ay may mamahaling­ sasakyan at nagmamay-ari ng ilang unit ng condo o kaya’y ilang pinto ng apartment.

Bukod sa protector ng sindikato at pag-recycle ng shabu, marami ring pulis ang drug addict. Marami nang pulis ang naaktuhang bumabatak ng shabu. Mapa-lalaki at mapa-babaing pulis ay lulong sa shabu.

Kamakailan, 18 pulis ang nagpositibo sa paggamit ng shabu. Nadiskubre ang pagkalulong ng mga pulis nang magsagawa ng random drug testing sa utos ni PNP chief Gen. Debold Sinas. Mula Enero 1 hanggang Pebrero 20, 2021, nagkaroon ng drug testing at 18 nga ang nagpositibo.

Agad ipinag-utos ni Sinas ang pagsibak sa 18 pulis. Sinisiguro niya na masisibak sa puwesto ang mga pulis na magpopositibo. Umabot na sa 80,507 ang mga pulis na sumalang sa drug test. Sinabi pa ng PNP chief na magpapatuloy ang internal cleansing sa PNP.

Batik sa imahe ng PNP ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga at ang pagiging addict. Paigtingin pa ang pagsasailalm sa drug test sa mga kagawad ng PNP para masigurong wala nang lulong sa mga ito. Gawing regular ang drug tests para masiguro na walang drug addict na pulis. Nasa panganib ang mamamayan kung ang pulis ay lulong sa droga.

DRUG TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with