^

PSN Opinyon

Mga drug lords, basahin n’yo ‘to!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Bad news para sa drug lords.

Seryoso na talaga ang gobyerno ni President Digong na wakasan ang drug problem sa bansa kaya’t ang target sa ngayon ay ang mga bank accounts at nabiling ari-arian ng mga drug lords gamit ang ganansya sa droga. Ang magandang ehemplo ay ang pag-ilit ng mga bataan ni Philippine National Police chief Gen. Debold Sinas sa mga pitsa at lote ng drug lords na sina Rustico Ygot at Charlie Duhaylungsod Fortuna matapos iutos ng korte. Kaya sa mga drug lords diyan, pati na ‘yung nangangarap na yumaman sa droga, tumigil na kayo sa ilegal n’yong negosyo dahil wala kayong ligtas sa kampanya ni President Digong na walisin ang droga sa Pinas. Dipugaaaa!

Si Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag, ang PNP Deputy Chief for Operations, kasama si Director Matthew David, ng Anti-Money Laundering Council ang nag-serve ng Asset Preservation Order (APO) sa Nirvana Private Resort na matatagpuan sa Green Bell Subdivision, Bgy. Camanjac, Dumaguete City.

Sinabi ni Sinas na ang lote ay pag-aari ni Ygot na kasa­lukuyang nakakulong sa national penitentiary sa kasong drug trafficking. Ang APO ay inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 37 pabor sa AMLC. Ang mga saksi sa okasyon ay sina Maj. Gen. Emmanuel Luis Licup, ng Comptrollership; Maj. Gen. Alfred Corpus, Director for Operations; Maj. Gen. Dennis Agustin, ng Intelligence at Atty. Joeshias Tambago, Rommel Trijo at Artemio Bacuili Jr., ng AMLC. Matatandaan na ang PNP at AMLC ay ipinatupad din ang freeze orders sa mga propriedad ni Ygot sa Consolacion, Catmon at Danao City sa Cebu. Dipugaaaaa!

Nauna rito, ipinatupad din nina Sinas at Mel Georgie Racela, Executive director ng AMLC, ang freeze order na iniutos ng Court of Appeals sa sampung bank accounts at dalawang real property ni Fortuna sa Cebu. Ang isang property ni Fortuna ay matatagpuan sa Lot 2 Block 2, Viencia St, Vista Montana Subd. Purok 6, Bgy. Cubacub, Mandaue City kung saan nakumpiska ng PNP ang pitong kilo ng shabu na nagkakahalagang P47.7 sa isinagawang raid noong Peb. 9, 2019. Ang isa pang lupa ay nasa Ozamis City.

Maliban sa droga, nakumpiska rin sa raid ang mga bank deposits slips, post-dated checks at remittance slips na nagpapatunay na si Fortuna ay sangkot sa money laundering, ani Sinas. Ipinalabas ni Fortuna na ang Mandaue property ay pag-aari ng auntie niya na si Juby Duhaylungsod subalit napatunayan ng AMLC na siya ang may-ari nito. Dipugaaaaa! Abangan!

DRUG LORD

PDEA

QCPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with