^

PSN Opinyon

Kailan nga ba ang roll out ng bakuna?

UNFILTERED - Pilipino Star Ngayon

Hindi tayo naglalaro ng jueteng o bingo rito pero eto ‘yung mga numerong dapat bantayan natin. Eto ‘yung mga petsang ibinigay ng mga kenkoy at kolokoy na roll out daw ng bakuna.

Tapos na ang Pebrero 15 at walang dumating na bakuna. Susunod naman daw ay sa Pebrero 23.

Kapag hindi natupad ang petsang nabanggit sa sina-sabing roll out ng bakuna, hindi na masisisi ang taumbayan kapag minura nila ang mga nasa itaas.

Pukaw na n’yo! Hindi ako nagmumura, sa Bisaya ito na ang ibig sabihin ay Hoy Gising! Mula DOH, FDA, IATF hanggang sa vaccine czar, pukaw na n’yo!

Isa pa ‘tong gusot sa isyu ng “indemnification sa bakuna”. May pagkakilos-pagong yata ang FDA sa pagpaplantsa at pag-ayos sa isyung ito.

Ang tinatawag na indemnification ay katumbas ng danyos.  Ibig sabihin, kapag may masamang epektong nangyari sa tinurukan ng bakunang inimport dapat may managot.

Ang tanong, sinong magbabayad o mananagot. Ang gobyerno o ang gumawa ng bakuna? Kung di ba naman kulang-kulang, eh ‘walang kasiguraduhan ito!

Kaya nga tinatawag na Emergency Use Authorization (EUA) dahil ito ‘yung hakbang pangontra sa pagkalat ng pandemya sa buong mundo.

Talagang magkakaroon ng adverse o allergic reaction ang matuturukan depende lalo sa pangangatawan ng isang indibiduwal. Kahit nga antibiotic may adverse reaction.

May usad suso lang talaga sa isyu na ‘to. Ang dami kasing satsat, ngawa nang ngawa kaya marami nang nabubuwisit.

Pukaw na n’yo!

BINGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with