^

PSN Opinyon

EDITORYAL - MVIS: Source ng korapsiyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - MVIS: Source ng korapsiyon

Panggagalingan ng korapsiyon. Ito ang sinabi nina Senators Grace Poe at Ralph Recto sa ipinatutupad na Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO). Ayon kay Poe, chairman ng Senate committee on public services nararapat ihayag ng LTO ang mga pangalan ng indibiduwal na nag-ooperate ng mga pribadong motor vehicle inspection centers­ (MVICs) sapagkat lumalabas sa mga report at reklamo ng motorista, ang mga ito ay pag-aari ng mga pulitiko. Ayon sa senadora dapat mabunyag ang pangalan ng mga may-ari ng MVICs. Nasa 17 MVICs ang binigyan ng permit ng LTO para makapag-operate simula noong Enero.

Sabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, nararapat suspendihin ng LTO ang ope­rasyon ng MVICs at magkaroon muna ng dialogue ukol dito. Napakaraming reklamong natatanggap mula sa mga motorista at civic organizations dahil hindi nagkaroon ng public consultation at agarang ipinatupad noong Disyembre ng nakaraang taon. Sabi pa ng senador, ang makikinabang dito ay mga operator ng MVICs, sapagkat kikita ang mga ito ng P150-bilyon bawat taon. Inihain ni Recto ang Senate Resolution 638 para suspendihin ang MVIS dahil walang sapat na public information campaign at ipinatupad pa ito sa gitna ng pandemya.

Maraming reklamo sa MVIS at dapat lang munang itigil ito. Ayon sa mga may-ari ng sasakyan, kuwestiyunable ang integridad ng mga MVICs ma­chines sapagkat kahit bago pa ang sasakyan, lumalabas na mayroon itong depekto at bumabagsak sa roadworthiness. Marami rin ang nabibigatan sa binabayaran. Ang inspection fee ay P1,800 (kotse, jeepney at truck) at P600 (motorsiklo at traysikel). Kapag bumagsak, magbabayad ng P900 at P300 reinspection fee. Ayon pa sa mga motorista, pinababalik-balik sila dahil marami raw umanong dapat ayusin sa sasakyan kaya ang resulta, panibagong bayad na naman.

Maganda sana ang batas na ito sapagkat ang mga depektibong sasakyan gaya ng mga dyipni at truck ay hindi na talaga papasa sapagkat bulok na at pagmumulan ng aksidente. Pero gaya nga ng sabi ng mga senador, panggagalingan ito ng corruption. Dapat isaayos muna ito bago ipatupad.

vuukle comment

LTO

MVIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with