^

PSN Opinyon

Paano reresponde ang mundo?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UNA, wala tayong pakialam kung anumang batas ang nais ipasa ng isang bansa. Ito ang naging pahayag ni DFA Sec. Teodoro Locsin sa ipinasang batas ng China na nagbibigay ng  pahintulot sa kanilang mga barkong coast guard sa South China Sea na gumamit ng anumang paraan kabilang ang paggamit ng mga sandata at armas kapag nilabag ng anumang bansa ang kanilang soberenya at karapatang soberenya. Sa madaling salita, kapag natukoy ng mga barkong coast guard ng China na ang isang barko, siguro maging sibilyan o militar, ang lumabag sa soberenya ng China, maaari na silang gumamit ng dahas.

Ngayon, pagkalipas lang ng dalawang araw, nagbago daw ang isip ni Locsin at naghain ng protesta laban sa China para sa nasabing batas dahil malinaw na banta na ito ng digmaan para sa anumang bansa at kung hindi aalma ay tila sumusuko na. Siguradong nalalagay na rin sa peligro ang ating mga mangingisda kung sa tingin ng Chinese coast guard ay ilegal na nangingisda sa kani­lang karapatang soberenya. Sa madaling salita, ang ating exclusive economic zone ay burado na at pag-aari na talaga ng China ang halos buong karagatan.

Tila naghahanda na ang China para sa digmaan at walang pakialam kung sino ang makalaban nila. Uminit nga muli ang tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan matapos ang panunumpa ni Joe Biden bilang bagong US President. Ang US ang pangunahing suplayer ng armas sa Taiwan. Ilang eroplanong pandigma ang pumasok sa kinikilalang himpapawid ng Taiwan. Rumesponde naman ang maliit na bansa sa pagsalubong ng mga eroplano. Mabuti pa sila. 

Ang hinihintay ngayon ay kung paano reresponde ang US pati na rin ang ibang bansa sa paglalahad na ito. Madalas magsigawa ng “freedom of navigation and overflights” sa South China Sea. Dito makikita kung paano reresponde ang Chinese coast guard kung sakaling may barkong pandigma ng US ang lumayag sa South China Sea. Ang isa pang dapat bantayan ay ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Kikilos na ba ang China sa mga sundalo natin sa nabubulok na barkong iyon? Dapat madalas iniikutan na rin ng AFP ang BRP Sierra Madre para may suporta ang ating Marines doon. 

TEODORO LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with