^

PSN Opinyon

Mga pulitiko sa Cavite, may grasya sa jueteng!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Masaya ngayon ang mga pulitiko sa Cavite dahil sa malaking take home nila sa jueteng ni John Yap. Subalit ang maikling kasayahan ay maaring mauwi sa kalungkutan kapag kumalat ang UK variant ng COVID sa kani-kanilang lugar.

Nag-post kasi sa Facebook si kosang Dindo Capili na mag-ingat ang mga taga-Cavite dahil may mga nakasabay sa eroplano ang nagpositibo sa UK variant na taga-Quezon City na galing sa probinsiya nila. Kapag kumalat ang variant sa Cavite, aba malaking papel ang gagampanan ng jueteng ni John Yap dahil imbes na mag-stay at home ang mga residente, aba sa kalye sila para mangalap ng taya.

Kung sabagay, sinabi ng Department of Health (DOH) na 16 pasahero na ang na-trace nila na positibo sa variant subalit wala pa sa listahan nila ang Cavite. Kaya lang, iniulat ng DOH na tumaas ang COVID cases sa mga probinsiya dahil naglabasan ang mga Pinoy noong holiday season at sana hindi kasama rito ang Cavite. Dipugaaaa!

Nasa kamay nina Gov. Jonvic Remulla at PNP provincial director Col. Marlon Santos ang kaligtasan ng taga-Cavite sa virus!

Paano naman mahihinto ang jueteng ni John Yap at management na Jun Alvaran kung may mataas ng pulitiko sa Cavite ang tumanggap ng P2.5 milyon noong katapusan ng Disyembre. Baka hindi ito alam ni Gov. Remulla? Dipugaaaa!

Sa Cavite pala ang tinatawag na Big 4 ay ang mga lugar kung saan may malaking kubransa ang jueteng. Ang binansagan na Big 4 ay ang mga bayan ng Naic, Tanza, Silang at Gen. Trias subalit salingpusa ang Cavite City sa kanila. Ang bigayan ng grasya sa mga pulitiko sa Naic, Silang, Gen.Trias at Cavite City ay weekly samantalang sa Tanza at iba pang bayan ay 15-30, di ba kosang Rico Posadas Sir?

Sinabi ng kosa ko na ang para sa pulitko sa Naic ay P35,000; Silang P30,000; Gen. Trias P100,000 at Cavite City P25,000. Samantalang ang sa Tanza ay P100,000 kinsenas-katapusan kasama na ang Damarinas sa P23,000; Bailen P7,000; GMA P20,000; Indang P70,000; Kawit P5,000;  Magallanes P25,000; Maragondon P25,000; Mendez P35,000; Noveleta P5,000; Rosario P40,000; Alfonso P35,000; Tagaytay City P30,000; Amadeo P15,000, at Ternate P12,000. Hindi nasabi ng kosa ko kung magkano ang tinatanggap ng pulitiko sa Carmona, Imus at sa Bacoor. Dipugaaaa!

Si Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad kaya may take home din sa jueteng sa Cavite? Abangan!

YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with