^

PSN Opinyon

Kulang na kulang pa raw ang ebidensiya

K KA LANG - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Marami ang napapailing sa kaso ni Cristine Angela Dacera, ang PAL flight attendant na natagpuang walang malay sa bathtub ng isang hotel sa Makati noong bagong taon. May kasama umano siyang 11 lalaki sa hotel para ipagdiwang ang bagong taon. Nang hindi nila umano mapagising si Dacera, dinala sa ospital at doon na dinek­larang patay.

Batay sa imbestigasyon daw ng pulis, may krimeng naganap kaya inalam kung sinu-sino ang mga kasama ni Dacera noong gabing iyon. Tatlo sa 11 ay agad nasa kostodiya ng pulis habang hinahanap pa ang walo.Agad nagpahayag na ginahasa raw si Dacera at pinatay, batay ulit sa kanilang imbestigasyon. Nagsampa ng unang kasong rape with homicide laban sa 11 ang PNP at nagpa­hayag na nalutas na ang kaso. Galing. Ang bilis. Pero teka, sandali.

Nagpahayag ang isa sa 11 suspek na hindi niya magagahasa si Dacera dahil siya ay isang bakla. Ayon pa sa kanya, ang ibang lalaking dumating sa party na iyon ay mukhang mga bakla rin. Nang makita nila si Dacera na walang malay sa banyo, nag-CPR daw siya sa kanya pero nang hindi na kinayanan, tinakbo na sa ospital.

Hindi rin sumang-ayon si NCRPO Chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr. na sarado o lutas na ang kaso. Dapat malinaw sa pulis kung sino ang gumahasa at kung ano talaga ang ikinamatay, mga detalye na hindi pa inilalabas ng PNP. Kung nasobrahan sa alak o baka may drogang sangkot. Hilaw pa raw ang kaso.

May lumabas sa social media na ang ikinamatay ni Dacera ay ruptured aortic aneurysm, kondisyon na delikado­ kung totoo talaga. At hindi pa nga nahuhuli ang ibang suspek kahit alam na ng PNP kung sino sila. Binan­taan na nga ni PNP chief Gen. Debold Sinas na sumuko na ang walo kung hindi hahabulin na sila. Kaya paano raw masasabing sarado o lutas na ang kaso?

At tama ang mga pahayag ni BGen. Vicente Danao Jr. Ibinalik ni Makati City Prosecutor General Benedicto Malcontento sa pulis ang kaso para sa karagdagang imbestigasyon at ebidensiya, at pinalaya ang tatlong hawak na ng pulis. Lutas na raw ang kaso?Anyare?

Lumalabas na kulang na kulang ang ebidensiya ng pulis para kasuhan na ang kanilang mga suspek. Ngayon, ang nais ng pamilya ni Dacera ay idaan sa ibang medico-ligal ang awtopsiya. Kaya siguro ayaw muna lumutang o sumuko ang walo dahil agad na silang inakusahan nang mabigat na krimen kahit hindi pa sila nakakausap. Baka ngayon lumutang na sila, at dapat lang para ibigay ang kanilang pahayag at panig. Malinaw na hindi pa lutas o sarado ang kasong ito. Nagmadali lang ang PNP. Bakit kaya?

FLIGHT ATTENDANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with