^

PSN Opinyon

Leksiyon ng ipis: Gabay sa pagpapabuti sa sarili

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sabi-sabi lang sa online na talumpati ito ng hepe ng Google Chrome. Pero magandang kuwento ng kung sino’ng malalim mag-isip:

“Sa restoran biglang lumanding ang ipis sa dibdib ng babae. Pagkakita nito sa ipis nagtitili siya sa takot. Bakas ang panic sa mukha at panginginig ng boses, naglulundag siya habang pinapagpag ang ipis. Nahawa sa panic ang mga kasama niyang babae. Nagtilian at naglundagan din sila.

“Sa wakas napaalis ng babae ang ipis. Pero lumipad at lumanding ito sa isa sa kasamahan. ‘Yung pangalawang babae naman ang nagpatuloy ng drama.

“Lumapit ang waiter para sumaklolo. Sa gitna ng lundagan at tilian, sa shirt naman ng waiter lumipat ang ipis. Tahimik, kalmado, minasdan ng waiter ang kilos ng peste. Nang masuri niya ito, bigla niyang hinuli at tinapon sa labas ng restoran.

“Habang humihigop ng kape at pinapanood ang eksena, gumana ang mga antenna ng utak ko. Naisip ko kung ang ipis ba ang nagpa-panic sa mga babae? Kung gan’un, e bakit hindi nabulabog ang waiter?

Walang kaabug-abog niyang kinontrol ang gulo.

“Hindi ang ipis kundi ang kawalang abilidad ng ibang tao na panghawakan ang sitwasyon ang sanhi ng gulo. Nabatid ko na hindi ang pagsigaw ng tatay ko o ng boss ko o ng misis ko ang gumugulo sa akin, kundi ang kawalan ko ng kakayahan na harapin ‘yun. Nabubulabog ako ng sigaw nila.

“Hindi trapik ang gumugulo sa akin, kundi ang kawalan ko ng kakayahan panghawakan ang gulo sa kalye. Higit du’n, ang reaksyon ko sa mga problema ang gumugulo sa buhay ko.

“Ang natutunan kong leksyon sa napanood: Hindi dapat ako magpabulabog sa problema. Dapat ko itong tugunan. Nagpabulabog ang mga babae sa ipis, pero ang waiter ay tinugunan ito.”

GOOGLE CHROME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with