^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang mga puno

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Wala nang mga puno

HUBAD na ang mga bundok dahil sa illegal loggers. Pati watershed areas, inubos na rin ng mga salot sa kapaligiran. Wala nang nakatanim na puno sa mga pampang ng ilog at sapa sapagkat pinutol na upang gawing muwebles. Wala nang matanaw na luntiang mga kahoy sa bundok, sa halip, lupang guho ang maaaninag. Nawalan na ang mga ugat na kumakapit sa lupa kaya mahina at nagkakaroon ng soil erosion. Sa malakas at matagalang pag-ulan, na­iipon ang tubig sa kalbong bundok at dito na magsisimula ang pagguho o landslide.

Sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan noong nakaraang linggo na nagdulot nang malaking pinsala sa lalawigan at naging sanhi ng kamatayan ng 13 katao, isa sa itinuturong dahilan nang pagbaha ay ang pagkakalbo ng mga kabundukan sa lugar. Sinira ng illegal loggers.

Ayon sa report, ang paligid ng Magat Dam ay unti-unti na ring nauubos ang mga kahoy. Walang patid ang pagputol sa mga kahoy doon na mahalaga pa naman para maging matibay ang lupa sa paligid ng dam. Kapag nawala ang mga puno sa paligid ng dam, asahan na ang mga pagbaha.

Sinisisi ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang management ng Magat Dam sa pagpapakawala ng tubig na nagresulta sa malaking baha. Sinusuportahan ni Mamba ang isasagawang imbestigasyon sa ginawang pagpapakawala ng tubig.

Sabi naman ng Magat management, hindi sila ang dapat sisihin sa nangyari. Anila, talagang mara­ming ulan ang binagsak ng Bagyong Ulysses dahilan para umapaw ang Cagayan River. Mababaw na anila ang Cagayan River.

Balak naman ng pamahalaan na pagtanimin ng puno ang mga estudyanteng kukuha ng government license. Gawin itong rquirements. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pangmatagalang solusyon ang pagtatanim ng puno para mapigilan ang pagbaha.

Maganda ang balak na ito kung maipatutupad. Sa rami ng mga estudyanteng kukuha ng lisensiya, maraming puno ang maitatanim. Siguruhin lamang na ang mga itatanim na puno ay maaalagaan. Marami nang pangyayari na kapag naitanim na ang mga puno sa bundok o sa pampang ng ilog, pina­pabayaan lang kaya namatay. Balewala ang tree planting. Sigu­ruhing may mag-aalaga sa mga itinanim na puno para mabuhay at hindi masayang ang pagpapakahirap sa pagtatanim. Ito na lang ang solusyon para maiwasan ang pagbaha.

ILLEGAL LOGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with