^

PSN Opinyon

Ito ang mga malalansag ng airport sa Sangley base

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Mabubulabog ang mga pasilidad, gawain at tauhang militar kapag patalsikin ang Sangley naval base. Sana aralin ‘yan ng mga nagplano ng Sangley Point International Airport pero hindi sinangguni sa Philippine Navy. Nang ipre­senta ang SPIA Project kay President Duterte nu’ng Peb., hindi binanggit ang mga gigibain o ililipat. Kabilang diyan ang:

l 207 gusali, pier, gawaan ng barko, airstrips, hangars, imbakan ng petrolyo, arsenals, tore ng komunikasyon, training sites, ospital, weather station, gasolinahan, sports centers, gyms, kantina, at barracks;

l 19,999 sailors at empleyado, espesyalista sa maraming linya; at

l 738 na pabahay, tatlong paaralan ng 2,300 na anak, at plaza, palaruan, simbahan, at community halls ng mga pamilyang Navy.

Kinaligtaan na estratehiko ang Sangley base sa depensa ng Manila Bay at sentro ng gobyerno. ‘Yun ang daungan ng Philippine Fleet, at kampo ng mga Navy commandos, piloto at espesyalista sa digmaang pandagat, engineering­ battalion, at signals. Sampung kilometro lang ang tawid sa Bay, alternatibo ang Sangley kung sakaling, huwag naman sana, mapilay ang himpilan sa Roxas Boulevard, Manila, halimbawa ng lindol.

Inutang sa China ang P550 bilyong pampatayo ng SPIA. Kapalit, kinontrata ng kapitolyo ng Cavite ang state firm, China Communications Construction Company, para sa proyekto. Balik din sa China ang pera. Pero gagasta ang gobyerno ng daan-daan bilyong piso pa para magtayo ng mga pamalit na pasilidad, pabahay at paaralan para sa sundalo’t kaanak. Mapapasa-kamay ng China ang estrahikong base ng Navy.

Mahalaga para sa morale at galing ng sundalo ang pangangalaga sa kanila at mga pamilya. Kasama ru’n ang pabahay at paaralan. Panira sa morale at trabaho kung ipagtabuyan sila ng gobyerno. Inaasahan ang sundalo na magbingit-buhay para sa bayan. Dapat alagaan sila.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

BASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with