^

PSN Opinyon

Kontrobersyal ang pahayag ni Lolo Kiko

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DAPAT nakatuon sa moral issue ng usapin at hindi sa civil issue ang opinion ng lahat ng religious leader. Sa tingin ko, maling konteksto ang pagkakaunawa ng iba sa paha­yag ni Pope Francis na dapat protektahan ng batas ang karapatan ng mga same sex couple. Hindi nangangahulugan na papayagan na ang pag-iisang dibdib ng lalaki sa lalaki at babae sa babae sa loob ng simbahan.

Saan mang anggulo ng Biblia hanapin ito, wala kang maki­kitang pag-sang-ayon ng Salita ng Diyos sa relasyon seksuwal ng dalawang magkatulad ang kasarian kundi mahigpit na tinututulan pa ito. At sa kabila ng pahayag ni Pope Francis, hindi pa rin papayagan ng Iglesia Catolica Romana ang same sex marriage.

Ang tinutukoy ng Papa ay ang “civil union” o pagpasok sa kasunduan ng dalawang magkapareho ang kasarian na magsasama tulad ng mag-asawa. Mula sa relihiyosong pananaw, mali ito pero hindi nangangahulugan na pagkakaitan ang mga gay o lesbian couple ng karapatang ibi­ni­bigay sa bawat mamamayan. Halimbawa, karapatang mag-ampon para bumuo ng pamilya, bagay na hindi maga­gawa sa normal na paraan. 

At may karapatan din naman silang mamuhay ng normal at makapagtrabaho nang marangal para maitaguyod ang kanilang pamilya. Gusto ni Pope Francis na magkaroong ng “civil union law”.

Alam ko na Protestante man o Katoliko ay hindi kailanman papayag sa pagkakasal sa mga taong pareho ang kasarian dahil malinaw itong kinukondena sa maraming­ talata sa Biblia. Ngunit hindi siguro dapat gumawa nang gan­yang pahayag ang Papa dahil religious leader siya. Dapat, ang opinion ng isang religious leader ay nakatuon lang sa moral na aspeto ng isang isyu. Ang sinabi niya ay maaaring gawing basehan ng mga bakla o tomboy na puwede pala silang magpakasal sa kapares nila ang kasarian na morally wrong sa pananaw ng maraming relhiyon. 

Kung mayroon mang dapat magbigay ng ganyang pananaw, ito’y mga taong hindi kumakatawan sa ano mang Iglesiya gaya ng ibang lay people na nagsusulong ng adbokasya o kaya’y mga mambabatas na kumakatig sa pagbibigay ng equal rights sa lahat.  Kailangan pa ring mabigyan ng diin na ang same-sex marriage ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos batay sa Kanyang Salita.

 

SAME SEX MARRIAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with