^

PSN Opinyon

Tensiyon sa Kongreso

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

May tensiyon sa Kongreso dahil sa isyu ng pork barrel­ at itong sinasabing “term-sharing’’ sa Speakership nga­yong Oktubre.  Ito ay kung ipapasa at rerespetuhin ni Speaker Cayetano.

Sa totoo lang, ito ang pangunahing dahilan kung bakit ilang buwan nang walang katiyakan sa Kongreso.

Mapapansin, ang nagbabangayang paksiyon ay pare­hong nasa ilalim ng administrasyon.

Kaya ayun, nagpipista ang mga trolls ng mga oposis­yon o mga dilawan.

Ang kanilang panalangin, “sige maggibaan kayo!”

Eh naglabasan ang pag-aalburoto sa Kongreso na na­uukol sa partehan ng mga pork barrel.

Paano nga ba naman, the power of the purse. Kapag ikaw ay nasa constituent mo, puwede mong ipagmalaki ang pondo mo.

Programa mo, aktibidades mo, proyekto mo. Ito ang determining factor, huhusgahan ka sa pork barrel ng mga constituent mo.

Bakit kamo, siyempre may mga katanungang anong ipinakita mo, anong nagawa mo at ano ang mga naging proyekto mo?

‘Yung mga kapiranggot lang, “God bless you na lang!”

Mag-aantabay tayo kung ano ang susunod na mang­yayari sa tensiyong namamagitan sa Kongreso ng da­lawang paksiyon.

ALLAN CAYETANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with