^

PSN Opinyon

Mga kuwento ng pagbangon mula sa Makati P5k Program

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

SA mga nakalipas na buwan, patuloy na umaagapay ang pamahalaang lungsod sa mga mamamayan nito sa pamamagitan ng mga makabuluhan at napapanahong programa at serbisyo.

Isa na rito ang Makati Economic Relief Program (MERP) na binansagang “MakaTulong 5K”. Naglaan kami ng P2.7 bilyon para sa P5,000 tulong pinansiyal bawat indibidwal para sa mahigit 500,000 kuwalipikadong residente ng lungsod. Naunang nakatanggap ang mga mayroon nang Makatizen Card, na aming inilunsad noong 2017 upang magkaroon ng unified citizen ID card na magagamit nila para mas mada-ling makuha ang iba’t ibang mga serbisyo at benepisyong galing sa lungsod. 

Kung iisipin, ang P5,000 ay madali lamang mauubos sa gastusin, ngunit maraming benepisyaryo na ang nagpatunay na puwede itong gamitin upang masimulan ang pangmatagalang kabuhayan para sa pamilya. 

Kabilang na rito si Mario Lutang, 42 taong gulang na residente ng Bgy. Valenzuela. Nakakatawag-pansin ang signage na “KATAS NG MAKATULONG” sa kanyang food cart, na naglalaman ng itinitindang fishball at iba pang street foods. Kuwento niya, nawalan siya ng trabaho bilang welder dahil sa pandemya. Matapos matanggap nilang mag-asawa ang tig-P5,000, agad siyang bumili ng materyales at gumawa ng food cart, at hiniram ang P1,000 sa misis pambili ng paninda. Kumikita siya ng P500 hanggang P600 araw-araw na kasya na sa mga pangangailangan ng pamilya.

Pinalad naman ang limang miyembro ng pamilya Oblino sa Bgy. Olympia na makatanggap ng tig-P5,000 dahil sila ay pawang may Makatizen Card. Matapos mabayaran ang mga bill sa kuryente, tubig at iba pa, nakapagbukas pa sila ng maliit na tindahan.

Ginamit namang capital sa e-loading business, maliit na tindahan at computer shop ni Joeffrey Furo, isang PWD ng Bgy. Rizal, ang natanggap na ayuda.

Bukod kay Agnes Bungay ng Guadalupe Nuevo na nakapagtayo rin ng sari-sari store, marami rin ang nakapagsimula ng kanilang online food business. Kabilang dito sina Peachy Margallo ng Pinagkaisahan; Ligaya Panganiban ng Pembo; Marielle Joyce Pabarlan ng Cembo; at Rinalyn Binongo ng West Rembo.

Napalago naman ni Evangeline Minton, senior citizen ng Pio del Pilar, ang negosyong lugawan na dinagdagan niya ng mga produktong paninda.

Talagang nakakabilib ang kasipagan at tibay ng loob ng mga Makatizen na ito. Buong puso akong nagpapasalamat sa kanila dahil pinatunayan nilang kaya nilang tulungan ang mga sarili at nakagawa sila ng paraan upang mapalago ang natanggap na tulong mula sa pamahalaang lokal.

Ang mga kuwento ng pagpupunyagi at tagumpay nina Mang Mario at iba pang residenteng katulad niya ang pinagkukunan namin ng inspirasyon para patuloy na gumawa ng mga mahuhusay na programa na maghahatid ng bagong pag-asa sa mga mamamayan. Nawa’y patuloy tayong magtulungan upang mabilis na makabangon mula sa krisis at pasiglahing muli ang pamumuhay sa mahal nating lungsod.

PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with