^

PSN Opinyon

Ano’ng iisipin ni Inay?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nangunguna sa karera si Abel Mutai ng Kenya nang, ilang metro na lang sa finish line, nalito siya sa karatula at huminto sa akalang panalo na. Nasa likod lang si puma­pangalawang Ivan Fernandez ng Spain na nabatid ang nang­yayari at sinigaw sa Kenyan na magpatuloy tumakbo. Hindi naman nakakaintindi ng Kastila si Mutai. Itinulak siya ni Fernandez sa pagwagi. “Bakit mo ginawa ‘yon?” usisa ng isang reporter.

Sagot ni Ivan: “Pangarap ko na balang araw mamuhay lahat nang iisang komunidad.” Giit pa ng reporter, “Pero bakit mo siya pinapanalo?”

Ani Ivan: “Hindi ko siya pinapanalo. Mananalo na siya.” Nagpilit pa rin ang reporter: “Pero ikaw sana ang nanalo!”

Tinitigan siya ni Ivan: “At ano ang magiging saysay ng aking pagwagi? Nasaan ang kabulohan sa medalya? Ano ang iisipin ng nanay ko sa gan’un?”

Naisasalin ang ugali. Ituro sa kabataan ang dangal sa tagumpay.

* * *

Ikinuwento ito ni Mikhail Gorbachev sa talambuhay. Nu’ng kabataan kaklase niya ang dalawang Hapones. Katatapos lang ng World War II; wasak ang Japan at bino­boykot ang kalakal nila.

Sa klase, halinhinan ang dalawang Hapones sa pagsulat ng notes at sa pag-ayos ng lapis para handang magamit. Nu’ng panahong ‘yon pulpol ang kalidad ng lead tip na gawang Japan; madaling mabakli sa karupukan. Pinapayuhan sila ng mga kaklase na gumamit ng lapis na gawang England, na mura rin naman.

Namumugto ang luha sa mata ng dalawang Hapones. “Kung kami mismo ay hindi bibili at gagamit ng produkto namin, sino pa ang gagawa nu’n? Walang duda, hindi namin mahihigitan ang pagsubok sa ngayon. Pero balang araw gagamitin ng mundo ang mga lapis-Hapon”.

Naituturo ang pagmamahal sa bayan. Pag-alabin ‘yon sa kabataan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

IVAN FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with