Mahiwagang pagkakatulad nina Lincoln at Kennedy
Matagal nang kumakalat ang kuwentong ito. Nakakapagtaka talaga:
Nahalal sa US Congress si Abraham Lincoln nu’ng 1846. Hinalal sa Congress si John F. Kennedy nu’ng 1946.
Nahalal na President si Abraham Lincoln nu’ng 1860. Hinalal na President si John F. Kennedy nu’ng 1960.
Pareho silang nag-adhika ng karapatang sibil. Parehong nakunan nu’ng buntis ang mga asawa nila habang nasa White House. Parehong Presidente ay binaril nang Biyernes. Parehong silang binaril sa ulo.
Mas mahiwaga pa: Ang pangalan ng sekretarya ni Lincoln ay Kennedy. Ang pangalan ng sekretarya ni Kennedy ay Lincoln.
Pareho silang pinaslang ng Southerners (taga-Timog ng USA). Parehong humalili sa kanila ang Southerners na apelyidong Johnson.
Si Andrew Johnson, na humalili kay Lincoln, ay isinilang nu’ng 1808. Si Lyndon Johnson, na humalili kay Kennedy, ay isinilang 1908.
Si John Wilkes Booth, na pumatay kay Lincoln, ay pinanganak nu’ng 1839. Si Lee Harvey Oswald, na pumatay kay Kennedy, ay pinanganak 1939. Pareho silang kilala sa kanilang tatlong pangalan. Parehong mga pangalan ay tig-15 letra. Parehong napatay bago litisin.
Kumapit sa upuan: Pinatay si Lincoln sa Ford Theater. Pinatay si Kennedy sa kotseng “Lincoln”, gawa ng Ford.
Tatayo na ang balahibo mo: Isang linggo bago mabaril si Lincoln ay nasa Monroe, Maryland. Isang linggo bago mabaril si Kennedy ay kasama si Marilyn Monroe.
Matapos barilin si Lincoln sa teatro tumakbo at nagtago ang salarin sa bodega. Matapos barilin si Kennedy mula sa bodega tumakbo at nagtago ang salarin sa teatro.
Hindi na ito kayang ipaliwanag ng History teacher.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
- Latest