^

PSN Opinyon

Para sa libu-libong pasyente

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang naman sila basta-bastang pasyente ngunit sila ‘yung mga tinatawag na talagang mahihirap na pumupuntang Southern Philippines Medical Center (SPMC) upang magpagamot sa kanilang karamdaman.

Sila ‘yung mga walang-wala na naghahanap ng gamot sa kanilang sakit sa kung anong mai-offer ng SPMC upang muling maiayos ang mga buhay nila.

Lumaki kaming naging parte ng mga buhay namin bilang Dabawenyo at talagang napamahal na sa amin  ang SPMC.

Masaya na kami  dahil alam namin may matatakbuhan kami kung sakaling magkasakit kami gaya ng paglaganap ngayon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayokong pag-usapan ang mga detalye kung gaano kagaling ang  mga tagapamahala ng SPMC at maging mga medical health workers nito.

Gusto ko lang isipin ang libu-libong napagaling ng mga doctors at medical staff ng pangunahing government ospital ng Pilipinas sa mga nagdaang taon.

Kasi nga kahit anong batikos at pang-alipusta ng ibang tao sa SPMC hinding-hindi nila maitatanggi ang kabutihang dulot ng ospital na ito sa buhay naming taga-Davao, Mindanao maging mga taga-Visayas at Luzon.

Umiiyak ako tuwing nakikita ko ang mukha ng mga pasyente sa SPMC at ilan sa kanilang mga kapamilya at bantay ay taimtim na nagdarasal sa maliit na St. Camillus de Lellis chapel sa may lobby ng ospital upang magpa-salamat at humiling sa  Diyos na pagalingin ang kanilang mga pasyente.

Sa panalangin dinadaan ang pasasalamat na meron kaming SPMC dito sa Timog Mindanao. Isipin n‘yo ang mga pasyente.

vuukle comment

SPMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with