^

PSN Opinyon

Anti-crucifix Bill ni Rep. Marcoleta

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Nais ipaalis ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta ang mga krus o krusipihong nakasabit sa mga silid ng mga ospital. Ibig niya na ilalagay lamang ang mga ito kung gusto ng pasyente. Ibig sabihin, “optional.” Isang panu­ka­lang batas ang inihain ng Kongresista kaugnay nito.

Mayorya o karamihan sa mga Pilipino ay mga Katoliko at iba pang sektang Kristiyano na nagpapahalaga sa mga sagisag ng kanilang pananampalataya. Ang panukalang batas ni Marcoleta ay tandisang pag-atake sa pana­nampalataya ng mga nakararaming Pilipino. Isa pa, maraming pagamutan ang pinalalakad ng Katoliko at naka­­pangalan pa sa mga santo.

Kaya inulan ng batikos si Marcoleta mula sa mga mama­mayang nagpapahalaga sa kanilang pananampalataya dahil sa isinusulong niyang House Bill 4633. Alam natin na si Marcoleta ay kasapi sa Iglesias ni Cristo (INC) na hindi naniniwala sa mga pisikal na simbolo ng relihiyon. SIguro naman, kahit ang mataas na pamunuan ng INC ay hindi papabor sa ipinapanukala ng mambabatas.

Iginagalang natin ang ano mang relihiyon at ang kala­yaang pumili ng pananampalataya ay ginagarantiyahan ng Konstitusyon. Pero nakasaad din sa Konstitusyon ang separation of the church and state. Ibig sabihin, kung ikaw ay mambabatas, anuman ang religious belief, huwag mong bayaang maimpluwensyahan nito ang iyong ina­akdang batas.

Kaya hindi dapat sumaklaw ang dikta ng kanyang pana­nampalataya sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang mambabatas ng taumbayan. Hindi lamang siya kina­tawan ng INC kundi ng mga Pilipino ano man ang relihyon. Ang katuwiran ni Marcoleta “ang krusipiho ay isang simbolo na hindi naman pinaniniwalaan ng lahat at tila pagbalewala ito sa pananampalataya ng iba.”

Si Marcoleta ay isa sa mga mambabatas na nagtu­tulak na i-take-over ng gobyerno ang pasilidad ng ABS-CBN ma­tapos hindi maaprubahan ang panibagong prangkisa nito.

INC

KATOLIKO

KONGRESISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with