^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagdag na sahod sa nurses, iprayoridad

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dagdag na sahod sa nurses, iprayoridad

Sa hanay ng frontliners, ang mga nurses ang kawawa. Hindi sila ganap na nabibigyan ng karapat-dapat at sapat na sahod at mga benepis­yo. Ito ay sa kabila na sila ang unang apektado o unang tinatamaan ng virus., Marami sa mga nurses umano ang nagka-COVID at ang masaklap, may mga namatay na sa kanila. Para sa mga nurse, ang pandemic ang tinuturing nilang pinakamabigat na laban. Marami ang nagsasabi na ang kalahati ng kanilang katawan ay nasa hukay.

Pero sa kabila nang nararanasang ito, ang kanilang hinaing ay hindi marinig ng pamahalaan. Kahit na paulit-ulit ang kanilang pagsamo at pag­luhog sa mga kinauukulan, hindi sila naririnig. Ang kanilang pagdaing ay dumadaan lang sa kanang taynga at walang anumang lumalabas sa kaliwa. Nagtatanong ang mga nurses at iba pang health workers kung bakit hindi matugunan ng gobyerno ang kanilang mga hinaing lalo ngayong may pandemia.

Kamakailan, sinabi ng mga miyembro ng Filipino Nurses United (FNU) na marami na sa kanilang hanay ang natatakot at nagbabalak nang umalis dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa. Nangangamba umano ang kanilang mga kasamahan para sa kaligtasan ng kanilang pamil­ya sapagkat maaaring mahawa ang mga ito, kaya marami ang nagbabalak na magbitiw sa trabaho. Naghahatid sa kanila ng takot ang patuloy na pagdami ng mga pasyenteng may COVID.

May mga grupo ng nurses na nagsagawa ng protest actions sa San Lazaro Hospital para ipabatid sa pamahalaan ang kanilang mahirap na kalagayan o kondisyon ngayong may pandemic crisis. Ayon sa protesters, maraming kulang na kagamitan ang mga nurses kagaya ng personal protective equipment (PPE).

Ang pinakamasaklap pa, marami silang trabaho sa ospital subalit hindi sila nababayaran ng sapat. Hindi umano sila binabayaran ng hazard pay at pati mga overtime. Ito ay sa kabila na sobra-sobra ang oras ng kanilang trabaho.

Pakinggan ng pamahalaan ang mga reklamo at karaingan ng nurses. I-improve ang kanilang kalagayan. Buhusan sila ng kalinga, suweldo at mga benepisyo. Lubos silang kailangan ngayon. Sino ang mangangalaga sa mga maysakit kung wala ang mga nurses?

OPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with