Tamang pag-alaga para gumanda ang mga paa
Ang paa ay binubuo ng 26 na buto, 33 joints, at daan-daang muscles, nerves at ligaments.
Ang sakong ay binubuo ng matitigas na kasu-kasuan kung saan nagtatagpo ang mga binti at paa.
Dahil sa kumplikadong porma ng mga paa, may mga ilang sakit na maaaring mangyari.
Maaaring maiwasan ang mga problema sa paa at sakong kung tama ang sukat ng sapatos na susuutin.
Narito ang kailangang hanapin:
1. Tamang sukat ng sapatos na komportable ang mga daliri, kinakailangan na tama ang taas, lapad at haba.
2. Iwasan ang mga sapatos na pointed ang dulo.
3. Mababa ang heels. Nakatutulong ito para maiwasan ang problema sa likuran ng paa.
4. Rubber shoes, strapped na sandals at mga cushioned insole. Iwasan ang mga vinyl at plastic na sapatos dahil ang paa ay hindi makakahinga kung ito ay magpapawis.
5. Bumili ng sapatos sa hapon o gabi. Dahil ang paa ay mas maliit kapag umaga at namamaga sa maghapon. Sukatin sa parehong paa. Habang nagkakaedad, ang sukat ng sapatos ay puwedeng mag-iba.
Ano ang hammertoe?
Ang hammertoe ay maaaring mangyari sa alinmang daliri ng paa. Karaniwan itong nangyayari sa pangalawang daliri ng paa.
Ang daliri ng paa ay nagiging baluktot na gaya ng itsura ng “claw”.
Maaaring dahilan nito ang pagsuot ng sapatos na masikip, ngunit maaari ring mangyari sa mga taong may sakit tulad ng diabetes.
Ano ang mallet toe?
Ang mallet toe ay isang deformity na ang dulo ng daliri ng paa ay baluktot pababa.
Tips:
1. Maaaring magsuot ng pinasadyang toe pads o cushions (kutson) para protektahan ang daliri.
2. May metatarsal pads pa na makatutulong din.
3. Kumunsulta sa orthopedic surgeon.
- Latest