^

PSN Opinyon

Huwag daw sisihin ang gobyerno?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Tama ba’ng sabihin ni Presidente Duterte sa taumbayan na huwag sisihin ang gobyerno kung maglubha ang pan­demya ng COVID-19 sa bansa dahil sa hindi pagtupad ng mamamayan sa mga itinakdang Health protocols? Sa tingin ko ay mali. Maling, maling, mali!

Nauunawaan ng taumbayan ang situwasyon at lahat ng tao, sa katunayan ay takot na mahawahan ng karamdaman. Pero bakit may pagkakataong nakalalabag ang tao sa social distancing? Sa sistema ng pagbibigay ng ayuda halimbawa, pinapipila ang mga tao pagkatapos ay marami pala ang wala ang pangalan sa listahan ng mga dapat tumanggap ng ayuda. Maraming nagsisik­sikan nang napakatagal para makuha ang ayuda.

Marahil may pagkukulang din ang taumbayan pero mas malaki ang kakulangan ng pamahalaan sa sistema. Hindi naman gustong maglamierda lang ng mamama­yan dahil wala namang matutunguhang lugar para magli­bang. Lumalabas lang tayong mga mamamayan para tugunan ang ating mga pangangailangan tulad ng pamimili ng ating kailangan, pag-withdraw ng pera sa banko at pagpasok sa ating mga trabaho.

Sa ganitong sitwasyon, hindi naiiwasan na makipag­dikitan sa ibang taong kasalamuha natin na hindi natin alam kung carrier ng virus o hindi.  Baka ang sariling kasamahan natin sa opisina o kaya ang bossing natin ay may taglay palang COVID-19 nang hindi niya nalalaman.

Alam nating gumagalaw ang pamahalaan para laba­nan ang problemang ito pero huwag naman sana sa ta­umbayan ibunton ang sisi sakaling mabigo ang mga ipi­na­tutupad na hakbang para labanan ang pandemya. Walang sino man ang gustong magkasakit at sa katunayan, lahat tayo ay nangingilag sa bawat isa lalo na kung ang makakasalubong natin ay hindi natin kakilala.

Sa totoo lang, kung may dapat sisihin sakaling pumalpak ang mga hakbang laban sa COVID, ito’y walang iba kundi ang gobyerno lamang na dapat magsilbing tagapangalaga ng mamamayan.

COVID-19

PRESIDENTE DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with