^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Social distancing sa evac centers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Social distancing sa evac centers

Marami pang nasa evacuation centers sa kasalukuyan dahil sa pananalasa ng Bagyong Ambo noong Biyernes. Maraming nawalan ng tahanan kaya pansamantalang dinala sa evacuation centers. Ang iba, inilikas dahil sa pagtaas ng tubig. Unang nanalasa si Ambo sa
Eastern Samar noong Huwebes ng gabi bago nagtungo sa Bicol Region, Masbate, Quezon, Laguna, Mimaropa at Metro Manila. Isa ang naitalang namatay. Maraming nasirang pananim sa Bicol at Quezon. Pati mga poste ng kuryente ay bumagsak kaya marami pa umano ang walang kuryente.

Pinakamabigat na problema ay ang pagdami ng mga tao sa evacuation centers at hindi na naipatupad ang social distancing. Nagsiksikan ang mga tao na karamihan pa ay mga bata. Ayon sa report, umabot sa 140,000 ang nasa evacuation centers.

Sa isang evacuation centers sa Gumaca, Quezon, hindi na talaga naipatupad ang social distancing at marami rin ang walang face mask. Hindi na ito naipasunod dahil na rin sa dagsa ng mga lumilikas sa center. Biglang buhos ang mga tao. Karamihan sa mga lumikas ay mga bata at mga matatanda. Karamihan ay galing sa mga mabababang lugar at gumuguho ang lupa.

Nakapagtataka naman kung bakit tila atrasado na ang lokal na pamahalaan sa paglilikas gayung ilang araw nang nagbabala ang PAGASA na may paparating na bagyo. Kung kailan nandiyan na ang bagyo, saka lamang nagkukumahog. Hindi na natuto sa mga nakaraang bagyo na humagupit sa bansa na nag-iwan ng pinsala.

Dahil atrasado na sa pag-e-evacuate, hindi na naipatupad ang pag-iingat sa COVID-19. Nalimutan na ang mga dapat gawin na dapat ay huwag magdikit-dikit at magsuot ng face mask. Ngayong patuloy pa sa pagdami ang mga kaso ng COVID-19, maaaring madagdagan pa dahil sa mga nagtipong tao sa evacuation centers. Ito sana ang unang ginawa ng mga awtoridad para hindi na kumalat ang sakit.

TYPHOON AMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with