^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pabuya sa mga magsusuplong sa kurakot na barangay officials

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pabuya sa mga magsusuplong sa kurakot na barangay officials

Noong kasasailalim pa lamang ang Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) nagbabala na si President Duterte sa mga magbubulsa sa perang ayuda ng gobyerno sa mga mahihirap. Huwag na huwag daw nanakawin ang pondo sapagkat ipakukulong niya. Hindi raw siya mangingiming ikalaboso ang mga mangungurakot ng pondo.

Pero sa kabila ng babalang ito, may mga bara­ngay official pa rin na nangungurakot at walang pakialam sa banta ng Presidente. Kinukupitan pa rin nila ang pondo. At hindi lang basta kupit sapagkat halos kalahati ng Social Amelioration Program (SAP) na para sa mahihirap ay ibinubulsa.

Napanood mismo ng Presidente ang isang barangay kagawad na nangungupit ng SAP at napa-putang-ina ito sa galit. Ang barangay kagawad ay nakilalang si Reynaldo Flores ng Hagonoy, Bulacan. Kalahati lang umano ng SAP ang binigay ni Flores sa mga kabarangay. Sabi ng Presidente, mahirap na nga ang mga tao ay kinukupitan pa ng kagawad. Ini­halal aniya ito ng mga tao na akala siguro ay may integridad at malinis pero ganun pala ang gagawin.

Matapos mapanood ang ginawa ni Flores, agad nag-alok ng pabuyang P30,000 ang Presidente sa si­numang makapagsusuplong sa kanya ng mga corrupt na barangay officials. Maaari raw itawag ang mga corrupt na barangay officials sa telephone number 8888.

Ipinayo naman ng Presidente sa mga mayor na kilalaning mabuti ang mga tao na mamamahagi ng SAP para hindi masayang ang pera. Siguruhing sa mga mahihirap na nangangailangan mapupunta ang pera hindi sa barangay official na kurakot. Kaila-ngan daw na may malinis na kalooban at integridad ang mamamahagi ng pera. Sinabi rin ng Presidente na kung maaari ay sa ina ng tahanan ipagkaloob ang SAP para makasiguro na maibibili ng panga-ngailangan. Kung sa ama raw ay baka gastusin lang ang SAP sa alak o droga o kaya’y ipangsugal.

Nasa P200-bilyon ang inilabas ng pamahalaan para ipamahagi sa mga mahihirap na lubos na naapektu-    han ng COVID-19 mula pa nang ipatupad ang ECQ sa Luzon noong Marso 16. Matatapos ang ECQ sa Mayo 15.

Tiyak na sa pagbibigay ng pabuyang P30,000 maraming magsusuplong sa mga barangay opisyal na kurakot. Dapat lang silang maisuplong para matapos na ang kanilang kasibaan. Hindi na sila nahabag sa mga mahihirap. Dapat isuplong ang mga kurakot.

DUTERTE

ECQ

KURAKOT

SAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with