^

PSN Opinyon

Nabola (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ang mga krimen na may kinalaman sa paglugso sa puri ng isang babae, tulad rin ng ibang krimen ay madalas na ginagawa ng palihim at sa paraang pribado kaya walang magagawa ang korte kundi panghawakan ang testimonya ng biktima. Mahalaga ang testimonya at personal na kredibilidad ng biktima para sa resolusyon ng kasong qualified seduction kung saan ginagamit ang  pangloloko o pang-aakit para mapagtagumpayan ang pakikipagtalik sa biktima. Isang isyu rin dito ay kung kailangan ba na maipakita na gumamit ng pandaraya o panloloko ang akusado para magawa ang krimen. Sa madaling salita, magkakaroon ba ng krimen na qualified seduction kung pumayag ang biktima sa nangyari?

Ang kasong ito ay tungkol kay Oliver, 52, at sa pangalawang asawa niyang si Jen. Dalawang taon na silang kasal pero hindi sila magkaanak. Mayroong mga anak si Oliver sa kanyang unang misis na mga nasa hustong gulang na. Isang araw ng Setyembre, dinala ng kapatid ni Jen na si Sylvia ang anak nitong babae na si Patricia, isang 15-anyos na dalagita, para mamasukang katulong sa mag-asawa. Unang pagkakita pa lang ni Oliver kay Patricia ay natipuhan na niya at agad na inumpisahan ang pambobola sa pobre. Bukod sa binibigyan niya ng pera, pinangakuan pa na iiwanan kuno ang asawa para ito ang pakisamahan.

Isang linggo pa lang mula nang dumating si Patricia sa bahay ng mag-asawa ay pinasok na ni Oliver ang dalagita sa kuwarto nito. Kahit may kahoy na pangharang sa pinto ay nakuha pa rin itong mabuksan ni Oliver. Nang makapasok, agad kinubabawan ni Oliver si Patricia. Nilamas ang suso hanggang makuha ang pagkababae. Iyon ang unang beses na pinagsamantalahan ni Oliver si Patricia.

Sa loob ng tatlong buwan, sa tuwing umaalis si Jen o kaya ay sa gabi habang mahimbing na sa pagkakatulog ay paulit-ulit na pinagsasamantalahan ni Oliver ang dalagita. Sa rami ng beses, nakalimutan na ni Patricia kung ilang ulit siyang ginahasa ng among lalaki. Sa umpisa ay pumapalag siya pero sa bandang huli, dala ng takot at dahil na rin sa pangakong pakakasalan, pumayag na rin.

(Itutuloy)

BATAS

SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with