^

PSN Opinyon

Humanda kayo mga nananakot at nanghihiyang online lending!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Bumabaha ng sumbong laban sa mga online lending na matindi maningil ng kanilang mga pautang. Gumagamit ng pananakot at pamamahiya.

Kuwidaw, ito ay isang uri ng harrassment. Itong mga putok sa buhong kolektor na ito, hindi yata naiintindihan ang epekto ng krisis ng COVID-19. Kaya naman dagdag sa alalahanin ng mga manggagawang walang kita dahil walang trabaho ang kakulitan at panggigipit ng mga lending company na ito.

Umpisa ng buwan na ito nang maipasa ang Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act. Ayon sa Department of Finance, bibigyan ng 30-araw palugit sa lahat ng uri ng loans o utang. Kasama rito ang mga banko, quasi-banks, non-stock savings, loan associations, pawnshop at credit-granting financial institution. Malinaw, kasama ang mga online lending na nasa ilalim ng Securities Exchange Commission (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Idineklara ang community quarantine na nagsimula noong Marso 17 hanggang Abril 14. Subalit ini-extend pa ulit ng Presidente hanggang Abril 30. Samakatuwid, extended din ang pagbibigay ng palugit nang walang interes o anumang penalty at charges. May kaparusahan ang sinumang lalabag. May kalakip na mga recorded conversations sa pagitan ng mga kolektor at kliyente. Bastos, may halong pananakot at panggigipit ang estilo ng mga kolektor na ito sa kabila ng ipinalabas na batas.

May isa pang kolektor, tinuturuang magsinungaling ang kanyang kliyente. Gamitin daw ang quarantine pass para lumabas at maghulog ng bayad para sa kanilang utang. Eto pa ang kalokohang turo nitong isang kolektor, kapag sinita raw bakit nasa labas ay sabihing bumili lamang ng pagkain. Uploaded sa Bitag Official YouTube Channel ang partikular na sumbong na ito.

Kung may kaparehong sumbong tulad nito, magmensahe lang sa aming mga facebook pages – BITAG Live, BITAG Multimedia Network, BITAG New Generation, at Pambansang Sumbungan. Patuloy kaming sasampol sa gitna man ng krisis.

ONLINE LENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with