^

PSN Opinyon

Ang Filipino sign language law

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Umapela si House Deputy Minority leader at Bayan­ Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa media at sa go­bierno­ upang agarang ipatupad ang Filipino Sign Lan­guage­ law o ang Republic Act. No. 11106 lalo na nga­­yong panahon ng COVID 19 at maraming lugar ay nasa lockdown.

Nakakalungkot na ang mga Filipino Deaf Communtiy ay hindi nakakuha ng massive information drive tungkol sa COVID-19 at ang lockdown na ipinatutupad ngayon sa buong Luzon at iba pang bahagi ng Philippines my Philippines.

Nakakaawa sabi ni Zarate, ang mga binging mad­lang­ Pinoy dahil binibitbit na lamang sila ng mga DSWD volun­teers dahil hindi nila alam na may lockdown o curfew­.

“Nananawagan tayo at umaapela sa mass media lalo na ang nasa telebisyon upang agad ipatupad ang FSL law para sa kapakanan ng ating mga kapatid na bingi. Matagal na itong dapat ipinatupad sa katunayan overdue na ito simula pa noong 2018,” birada ni Zarate.

Dapat may mga FSL na ginagawa ang bawat tele­bis­yon para mas maunawaan ng mga madlang deaf people ang kanilang napapanood at pinag-uusapan. 

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.Carlos Isagani Zarate

CARLOS ISAGANI ZARATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with