^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag mamakyaw ng face masks

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag mamakyaw ng face masks

Marami pa rin sa kasalukuyan ang sandamakmak kung bumili ng face masks para protek­siyon sa Covid-19 (dating nCoV). Karamihan ay nag­tutungo pa sa mga tindahan ng medical equipment sa Bambang, Sta. Cruz, Maynila para mamak­yaw ng face masks. Sabi ng mga customer, mas makakamura raw kung bibili ng bultuhan kaysa pailan-ilan lang. Mabuti na raw ang sigurado kaya dinadamihan na nila ng bili. Mahirap na raw maubusan at para hindi na mahirapan sa pagbili.

Karaniwan na lang ang tanawin na ang mga nag­lalakad sa kalye at nasa mga mataong lugar ay na­ka-face mask. Maski sa loob ng sasakyan --- dyipni, bus, MRT at LRT ay maraming naka-face mask. Hindi na kumpleto ang dala-dalahan kapag walang face mask. Para bang malaking kakulangan kapag lumabas ng bahay na walang pangtakip sa mukha.

Nagsisiguro ang lahat at baka mahawa ng Covid-19. Bagama’t hindi na nadagdagan ang tatlong Chinese na nagpositibo sa bansa, marami pa rin ang natatakot na mahawa. Noong Linggo, dumating na ang 30 overseas Filipino workers mula Wuhan City, China na pinagmulan ng virus. Naka-quarantine sila sa Athlete’s Village sa Capas, Tarlac. Hanggang sa kasalukuyan, walang nare-report na may nahawa sa mga du­mating na OFWs. Bago pa dumating ang OFWs, nagkaroon muna ng pagtutol sa mga residente sa Capas sapagkat natatakot silang mahawahan din ng virus mula Wuhan.

May panawagan naman ang Department of Health (DOH) at ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa publiko na huwag mag-hoard ng face masks sapagkat maaaring magkaroon ng shortage at maubusan ang mga hospital worker na lubhang kailangan ang mga ito. Sabi ng DOH at RITM, hindi naman dapat mag-panic sa pagbili ng face masks. Wala naman daw community transmission ng virus sa bansa. Hindi inirerekomenda na mag-face mask ang wala namang respiratory symptoms gaya ng ubo, sipon at naninikip ang paghinga.

Pakinggan sana ng mamamayan ang panawagan ng DOH at RITM na huwag mamakyaw at mag-imbak ng face masks. Mayroong mas nanganga­ilangan ng mga ito para maproteksiyunan ang sarili laban sa mapanganib na Covid-19.

COVID-19

MEDICAL EQUIPMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with