^

PSN Opinyon

Ang bayani ng coronavirus

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

BAYANI ng coronavirus? Opo, meron. Paano? Sino? Bakit?

Dito ko na rin ipapamahagi sa lahat ang isang artikulo na natatanggap ng marami sa ngayon na, sa aking palagay, dapat ipakalat at malaman ng marami. May mga napakahalagang puwedeng mapulot na mga aral din sa kuwento ni Dr. Li Wen Liang ng Wuhan, China.

Doon siya nakatira, sa Wuhan, kung saan sinasabing nagsimula ang kakaibang coronavirus na ngayon ay peligro na at kinatatakutan sa buong mundo. Walang gamot at ‘di-malaman kung saan nanggagaling. Pero may libu-libo nang buhay ang siningil ng virus na ito. 

Disyembre pa lang ng nakaraang taon ay nireport na ni Dr. Liang ang isang kakaibang virus na ang sintomas ay parang pneumonia. Pinapaaresto siya ng gobyerno ng China dahil daw sa pagkakalat niya ng “chismis”. Si Dr. Liang ay isa palang Kristiyano. Kahit na siya ay binalaan at inaresto minarapat niyang ipaalam sa lahat ang nadiskubre niya, at nagpatuloy tumulong gumamot ng mga pasyente, hanggang sa siya mismo ang naimpeksiyon.

Bago siya lumubha nang husto, nagsulat si Dr. Liang ng isang tula: 

“Ayaw kong maging bayani. Nariyan pa ang aking mga magulang, anak, at ang aking asawa ay nagdadalantao pa’t malapit na magluwal. At napakarami pang pasyente sa ospital. Ang aking integridad ay hindi maitatapat sa kabutihan ng iba. Sa harap ng aking sariling kawalan at pagkabalisa, magpapa­tuloy ako sa gawain. Sino ba ang nagpabili sa akin ng bansang ito, ng pamilyang ito? Ilan ba ang maaari kong ireklamo? Pagkaraan ng laban na ito, titingala ako sa langit, lumuluha nang parang ulan. Ayaw kong maging bayani. Ngunit bilang doktor, hindi maaaring titigan ko lang ang virus na ito na pumipinsala sa napakaraming inosente. Kahit na sila ay nililisan na ng buhay, nakatingin sila sa akin, umaasa na mabubuhay. Sino ang makakaisip na ako pala ay mamamatay? Ang aking kaluluwa ay nasa langit. Nakikita ko ang puting higaan kung saan naron ang aking katawan, pamilyar ang mukha. Nasaan ang aking mga magulang? At ang aking asawa, na minsan ay naghirap akong habulin..

Paalam, mga kaibigan. Paalam sa aking bayang tinubuan ang Wuhan. Umaasa ako na pagkatapos ng delubyong ito ma­aalala ninyo ang isang tao na ipinaglaban na ipaalam sa inyong lahat ang aking nadiskubre sa lalong madaling panahon. Pagkatapos ng delubyo sana natutunan nating lahat ang tama sa mali. Wala na dapat maulit pang paghihirap ninuman mula sa walang katapusang takot at walang laban na pag aalala. Ni laban ko ang dapat lang na inilaban...Tinapos ko ang paligsahan, nanatili ang aking pananampalataya. Ngayon naghihintay na sa akin ang korona mula sa Langit, 2 Timothy 4:7, Holy Bible.”

Wala nang labis o kulang sa kanyang paalam. Ipagdasal natin at ipagpasalamat ang isang tulad ni Dr. Liang. Ang bayani ng corona virus (nCoV). Isang maliit na pangalan sa malawak na kasaysayan ng sangkatauhan. Ngunit isang higanteng aral ang mapupulot sa kanyang talambuhay.

vuukle comment

CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with