^

PSN Opinyon

Bad habits na nagpapaikli ng buhay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May mga bad habits ang iba nating kababayan na pu­we­deng makaapekto sa haba ng buhay. Sana ay ma­iwasan ang mga kaugaliang ito para na rin sa iyong kalu­sugan:

l Malakas uminom ng alak. Nababawasan ng tatlong taon ang buhay dahil sa bisyong ito.Totoong may kaun­ting benepisyo ang red wine pero ang benepisyong ito ay nanggagaling sa ubas at hindi sa alak. Ang alkohol mismo ay walang benepisyo sa katawan. Sa katunayan, nagdudulot ang alkohol ng mga sakit tulad ng sakit sa atay, kanser sa atay, ulcer, sakit sa utak, pagkaulyanin at marami pang iba. Sa mga hindi umiinom ng alak, huwag nang subukan ito.

l Mahilig sa hindi healthy na pagkain. Nababawasan ng apat taon ang buhay. Ito ang 3 pagkain na dapat inga­tan: taba, asukal at asin. Ang sobrang pagkain nito ay pu­wedeng magdulot ng sakit sa puso, diabetes at high blood pressure. Iwasan ang taba mula sa karneng baboy at baka. Limitahan din ang pagkain ng butter, margarine, cake at mantika. Hinay-hinay din sa pag-inom ng matata­mis na soft drinks, iced tea at mga juices. Mas masustansya pa rin ang gulay at prutas tulad ng saging, carrots, kamatis at mansanas.

l Ayaw Magpatingin Sa Doktor. Nababawasan ng apat na taon ang buhay. Kapag lagi kang umiiwas sa doktor, posibleng mahuli tayo sa pag-diskubre ng iyong sakit. Lahat ng tao ay magkakasakit. Ngunit kung maaga natin ito malalaman, magagawan pa natin ito ng lunas. Magpa-check up bawat taon kung ikaw ay edad 40 pataas. Kung may lahi kayo ng sakit sa puso, diabetes, kanser o high blood, magpa-check up din ng maaga.

l Sumasali sa extreme sports. Nababawasan ng apat na taon ang buhay. Ayon sa isang survey sa Australia, ang pinakadelikadong sports ay ang horse riding, power boating at motorcycle. Sa America, ang mga football players, boxers at wrestlers ang may pinakamaraming sakuna. Hindi pa natin pinag-uusapan dito ang mountain climbing, hang gliding, at parachuting. Gamitin natin ang ating pag-iisip. Iwas panganib, para humaba ang buhay.

l Pabagu-bago ang diyeta At Pagpapapayat. Nababawasan ng limang taon ang buhay. “Everything in moderation,” ang sabi ng doktor. Ang pabago-bago sa diyeta (iyung tinatawag na crash diet at yoyo diet) ay masama sa ating kalusugan. Nahihirapan ang ating katawan sa biglang pagpapapayat. Huwag din uminom ng mga diet pills dahil posibleng makasira ito sa ating puso. Mag-diyeta sa normal na paraan. Bawasan ang dami ng kinakain tulad ng kanin, ulam at matatamis na inumin. Magbawas ng 1 o 2 pounds lamang bawat linggo. Good luck po!

BAD HABITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with