^

PSN Opinyon

Kakandidatong opisyal ng BI naka-tara sa Korap in tandem sa CIA

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang pala “riding-in-tandem” ang uso sa Philippines my Philippines na hindi o hirap mahuli ng mga pulis?

Ito iyong bumabaril para patayin ang mga target people nila habang sakay ng motorsiklo ang dalawang killer.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, uso rin ngayon ito sa Clark International Airport pero ang tawag sa kanila ay “korap-in-tandem” naman.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ‘korap in tandem’ ay sangkot sa human smuggling sa CIA na hindi rin mahuli-huli ng NBI Clark at IACT doon.

Bakit?

“Yan ang itanong ninyo sa mga dapat humuli,” sabi ng kuwagong pasmado ang palad.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina alyas Gary “Basalsal” at isang bebot na may alyas “Batungbakal” ang tirador ng human smuggling sa CIA at with matching Bumbay operations pa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga kasabwat ng tiwaling immigration officers ang korap in-tandem para makaalis going abroad at makapasok naman ang mga bumbay at Chinese nationals na may mga problema ang mga papeles.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itong si alyas Gary “Basalsal” ay siya ring hari ng “escort with a fee” services sa mga Koreano na binibigyan nila ng VIP treatment sa Clark.

Si Batungbakal, ang nagsisilbing accountant o taga-bilang ng mga pasaherong going abroad at ang mga arrival passengers na mga Chinese nationals at Bumbay na dumarating ang inililista naman nito.

Sabi nga, para hindi magkabukulan sa perang ibinayad.

Naku ha!

Ano ba ito? 

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang kora­­p in-tanden ay nagyayabang sa CIA na hindi sila kayang banggain ng NBI at IACT.

Bakit?

Nakasama sa tiembre diumano ang mga ito?

Naku ha! Totoo kaya?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasama si Papa G sa mga tini-tiembrehan nina alyas Gary ‘’Basalsal” at alyas “Batungbakal.” 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit walang aksyon ginagawa ang bagong upong si Maan Lapid, anak ni Senator Lapid sa mga diumano’y nangyayaring anomalya sa CIA?

Sabi ng mga asset, nagmamadali kasi si alyas Gary “Basalsal”, alyas “Batungbakal” at ang grupo nito na yumaman kaya panay ang gawa ng pera sa Clark.  

Sabi nga, P2,000 to P5,000 singil nila sa mga Koreanong gustong magpa-VIP? Puera pa rito ang mga Chinese nationals na binabakalan ng P2.500 each nang korap-in-tandem.

Para matigil na ang mga kalokohan sa CIA kung mayroon man, dapat na silang tanggalin dito ni BI Commissioner Jaime Morente.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpapadala raw ng malaking halaga ng salapi ang grupo ng “korap-in-tandem” sa isang mataas na opisyal ng BI na balak kumandidato sa kanyang probinsiya sa 2022?

Naku ha!  Totoo kaya ito?  Abangan.

 

CIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with