^

PSN Opinyon

Mapayapang Traslasyon

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Para sa akin, maganda ang resulta ng Traslasyon nga-yong taon. Maagang nakarating sa kanyang tahanan sa Minor Basilica sa Quiapo church ang mahal na Poong Nazareno. Naging maayos dahil sa pagtutulungan ng local na pamahalaan, kapulisan at kasundaluhan. Meron mang maliit na insidente natural lamang ‘yan dahil pinuprotektahan ng mga pulis ang kaligtasan ng bawat isang sumali sa prosisyon.

Malugod ko ring pinupuri ang Red Cross mapakalamidad man o ganitong kaganapan walang pinalalampas na pagkakataon laging nandyan at handang tumulong. Hindi rin biro ang trabaho ng ating mga volunteers dahil sila ang sumasalo sa mga naaksidenteng mga deboto at nilalapatan ng mga paunang lunas. Mabuti ngayon taon at walang debotong namatay, nabawasan din ang aksidenteng nangyari. Ang naramdamang hilo at high blood ay natural lamang sa mga sumali sa prosisyon dahil sa init ng panahon.

Dito rin natin makikita ang bayanihan ng mga deboto. May mga namumudmod ng pagkain at inumin at may mga nagpaagaw ng pera sa mga sumali sa prusisyon. ‘Yan ang kanilang pamamaraan bilang isang deboto ng poong Nazareno. Ibinabalik nila ang suwerteng dumating sa kanila. At ang maganda kong napansin meron na rin ibang lahi na yumakap sa ating tradisyon bilang deboto ng Poong Nazareno.

Sa insidente ng pulis at mga deboto, sa una lang ‘yan, kasi nga hindi pa sanay ang mga debotong pulis na humawak sa lubid. Hirap silang maagaw ito. Mga namamahala na rin mismo ng simbahan ang nagsasabing mabilis at mapayapa ang Traslasyon. Sa mga susunod na taon masasanay na rin ang mga deboto kasama na ang mga pulis at sundalo sa prusisyon at tama rin ang kahilingang kailangang nakapaa sila tulad ng mga deboto. Nireklamo kasi na naka-combat boots ang mga pulis at sundalo at maraming nasaktang deboto nang matapakan.

Ako’y naniniwala sa kapangyarihan ng healing power of God.

POONG NAZARENO

RED CROSS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with