^

PSN Opinyon

Archie

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Mukhang  nahihirapan si Pres. Digong Duterte sa pagpili ng bagong Philippine National Police (PNP) chief kaya pinaubaya na niya ito kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año. Ang PNP ay nasa ilalim ng DILG.

Sa palagay ko ayaw na ni Digong pumalpak sa panga­lawang pagkakataon sa pagpili ng magiging PNP chief. Nagkamali siya sa pagpili kay Oscar Albayalde kung saan nasangkot ito sa “ninja cops” at corruption bago niya pina­munuan ang PNP.

Ma-PR kasi si Albayalde noong nakaupo kaya napansin siya bilang NCRPO chief. Nakita ang kanyang performance.

Ngayon, meron tatlong matunog na pangalang isinumite si Año kay Digong na kandidato sa pagka-PNP chief. Ako mismo, susugal kay OIC Archie F. Gamboa sa pagka-PNP chief.

Maganda naman ang pakitang gilas ni Gamboa nga­yon bilang OIC. Hindi lang PMA graduate isa rin pala itong abogado.

Siya pati ang pinaka senior na heneral na kandidato. Sigurado ako na walang aalma sa hanay ng kapulisan kung hirangin man siyang PNP chief.

Gusto kong siya ang piliin ni Digong na PNP chief dahil­ maayos naman ang kanyang pamamalakad sa hanay ng pulisya.

Sa katunayan hinimok nya ang kanyang mga miyembro na magpapayat alam naman nating lahat na karamihan sa ating mga pulis ay malulusog at malalaki ang tiyan.

Sana, sundin ni Digong ang seniority rule. Iwasan ang PR gimik tulad ng kay Albayalde at Guillermo Eleazar.

Ganyan din ang ginawa ni dating Pres. Noynoy Aquino nang piliin si Maria Lourdes Sereno na Supreme Court Chief Justice na nasipa sa puwesto.

Si Archie Gamboa ang pambato kong PNP chief.

DILJG

PNP

UILLERMO ELEAZAR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with