^

PSN Opinyon

Porkless, parkless budget batas na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BONGGA ang entrada ng 2020 sa ating bansa. Sa first week pa lang ng Enero, naging  batas na ang 2020 General­ Appropriations Act na P4.1 Trilyon. Buong-buong nilagdaan ni Pres. Digong at walang probisyon na na-veto. Aprub lahat sa metikulosong si Digong.

Sa budget noong nakaraang fiscal year, maraming na-veto na probisyon ang Pangulo. Kasama riyan ang “insertions’ na umaabot sa P95.3 bilyon. Natengga rin ng napakatagal ang approval kaya bumaba ng halos 2 porsyento ang Gross National Product o GDP ng bansa at maraming proyekto at serbisyo ang naapektuhan.

Walang ‘pork’ at ‘parked funds’ ang 2020 National Budget gaya ng akusasyon ni Sen. Ping Lacson. Kung mayroon, tiyak na ibabasura ito ng Pangulo. Disyembre pa naratipikahan ang badyet at inasahan na lalagdaan ng Pangulo bago matapos ang 2019. Kaso, nirebisa, binasa­, binusisi at pinag-aralan pa ng Pangulo ang mga probisyon para masiguro na tutugon sa mga programa ng gobyerno gaya ng edukasyon, social services at imprastraktura.

Dapat mag-sorry si Sen. Lacson sa pagpipilit na may pork ang 2020 National Budget. Sa ngayon, makakahinga nang maluwag ang ating pamahalaan at maipatupad ang mga programa para sa sambayanang Pilipino dahil sa on-time na pagiging batas ng pambansang badyet.

Salamat sa mga mambabatas kabilang na ang mga senador lalo na ang kamara sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano dahil sa mga record-breaking na mga achievements sa kamara pati na ang paghataw ng survey ratings ng lider nito na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng kamara. 

Seryoso talaga ang Mababang Kapulungan na ipatupad ang hangarin ng pangulo na ligtas at komportableng pamumuhay para sa mga Pilipino. Alam naman natin na sa gitna ng pulitika at iba’t-ibang paniniwala at prinsipyo, hindi madali na magkaisa pero kung tutuusin kayang-kayang magtulungan para sa ikabubuti ng taumbayan.

GROSS NATIONAL PRODUCT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with