^

PSN Opinyon

Peace talk na naman?

KUNSABAGAY - Tony F. Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa tayo natuto walang palabra de honor ang mga komunista. Ilang beses na ba itong pinag-planuhan, pag-usap na sa iba’t ibang bansa dahil yan ang gusto ni Jose Maria Sison pero may nangyari ba? Wala ‘di ba? Kasi nga magulo kausap si Joma. Mas marami siyang hinihingi kapalit bago umpisahan ang usapang pangkapa­yapaan.

Ngayon ito na naman si Pres. Digong nagbago na naman ang isip pinadala si Labor Sec. Silvestre Bello sa Netherlands para makipagpulong kay Joma at alukin ulit ng panibagong peace talk na rito na sa Pilipinas gaganapin pero ‘di pa man nagsisimula, dami nang hirit ni Joma. Kakainis lang, gobyerno na nga ang nagpakumbaba siya naman itong pakipot pa. Maganda ang inalok sa kanya ni Pres. Digong una na riyan ang kanyang seguridad habang siya ay nasa bansa. Baka nga pag-uwi niya rito ang kanyang mga alagad na NPA rin ang humanting sa kanya, siyempre nalilito na rin sila sa kanilang pinuno.

Sa paiba-ibang desisyon ng gobyerno sa ceasefire na ‘yan taumbayan ay litung-lito na kamakailan lamang ay laman ng balitang hindi irerekomenda ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kay Digong ang ceasefire sa araw ng Pasko kasi nga hindi ito sinusunod ng mga komunista tuloy lang ang kanilang pagpatay, pananabotahe sa mga negosyante habang nakalatag ang ceasefire pero ngayon ayan na naman at may Christmas ceasefire. Sana lang ay mapasunod nilang lahat ang kanilang mga alipores dito sa Pilipinas baka hanggang salita lang na naman yan.

Hindi lang ako, marami kaming mga manunulat ang nag­sasabing hindi magtatagumpay ang peace talk sa pagitan ng gobyerno at komunista habang nabubuhay si Jose Maria Sison. Gusto n’ya mas nakakalamang siya kaysa sa gobyerno. Puwede ba naman yun?

KOMUNISTA

PALABRA DE HONOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with