^

PSN Opinyon

56, optional retirement age for gov’t only

ORA MISMO - Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

AYOS na ang panukalang batas para ibaba sa 56 years old ang optional retirement age sa mga government employees mula sa kasalukuyang 60 years old.

Sabi nga, pinagtibay na ito sa Kamara!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 192 congressmen ang pumabor at walang kumontra.

Ika nga, lusot na sa 3rd at final reading ang House Bill 5509. Aamyendahan nito ang Section 13 ng Republic Act 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mae-enjoy ng mas maaga ng mga 56 yrs old retirees ang kanilang pension money habang malakas at bata pa sila kasama ang kanilang pamilya.

Isa pang importante sa panukala ay gawin ang turn-over ng mga posisyon sa gobierno para bigyang pagkakataon ang mga mas batang professionals na makahawak ng mga matataas na puesto sa kanilang mga tanggapan.

Korek ka r’yan!

Mas marami ang oportunidad sa mga gustong mag-work sa gobierno dahil 56 na ang retirement age.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 65 pa rin ang mandatory retirement age sa government of the Philippines my Philippines. 

Sabi nga, palakpakan ang mga kongresistang nakaisip at nagtulak ng panukalang ito!

Salary Standardization Law

KAHIT hulugan ay ikinatuwa ng rank and file employees sa government of the Philippines my Philippines ang ginawang adjustment tungkol sa Salary Standardization law of 2019.

Ang panukalang salary standardization law ng 2019 ay ipatutupad ng four tranches.

Sabi nga, tataas lang ang sahod ng mga salary grade 1 ng P483 sa 2020.

Ika nga, P16 per day increase sa first tranche ng implementation. Ang entry level teachers under salary grade 11 ay makakatanggap ng dagdag na P1,562 sa 2020.

Sabi nga karagdagang P52 per day, only.

Sangkaterbang deductions ang kinakaltas kaya halos wala na ring matitira sa kakarampot na itinaas sa sahod.

Marami ang kritiko sa taas-sahod ni Boss Digong pero mas mabuti na rin ito kaysa wala.

Ano sa palagay ninyo?

HOUSE BILL 5509

ORA MISMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with