^

PSN Opinyon

Kabataan hikayating bumalik sa sakahan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG karaniwang edad ng magsasakang Pilipino ngayon ay 60 taon. Sobrang hirap ng trabaho, mababa ang kita, at nag­pabaya ang gobyerno. Noong Pebrero, halimbawa, habang tinatalakay ng Kongreso ang Rice Tarrification Bill, umangkat ng 4 milyong sako ng bigas ang National Food Authority.

Pakay sana ng batas na payabungin ang ani ng palay pero pababain ang presyo ng bigas sa tindahan. Kahit sinong restaurant chain o rice trader ay maaring mag-import ng bigas, basta bayaran lang ng advance ang 50% duty. Mula sa makokolektang bilyun-bilyong piso kada taon ay ipapautang na puhunan sa mga magsasaka, at pantulong sa binhi at makinaryang pangtanim, pang-ani, pambayo, pantuyo, at pangdala sa lungsod.

Pero dahil sa inangkat ng NFA, napuno ang mga bodega at naubos ang pambili ng palay ng P17-P22 kada kilo. Bumagsak ang farm gate price ng palay sa P7 lang kada kilo, mababang hamak kaysa sa puhunan ng magsasaka sa pagtanim na P12 kada kilo. Sino ba naman ang gaganahan pang magtanim sa gan’ung kalagayan?

Pakay ni Agriculture Sec. William Dar na hikayatin­ ang kabataang bumalik sa sakahan. Karamihan sa kani­la’y kumu­kuha ng mga kurso sa kolehiyo na wala namang ma­gan­dang trabaho. Isang tambak ay nasa Hotel and Restaurant at Tourism Management, pero nagiging serbidora o chambermaid lang sa resorts.

Dalawang bagay ang makakahikayat sa kabataan sa sakahan: kita at teknolohiya. Magkaakibat ang mga ito. Mahilig ang kabataan sa modernong gadgets: computers, drones, chips. Nako-control ng computers ang eksaktong pasok ng tubig, gamit ng pataba, at dilig ng pestisidyo sa sakahan. Nabubugaw ng drones patungong tubig at damuhan ang mga baka, tupa, at kambing. Meron ding chips na pinalulunon sa alagaing hayop para maeksakto ang kain ng protina, pataba, tubig, at gamot para sa paggagatas, maiwasan ang sakit, at matiyak ang timbang. Napapataas ang produksyon at baba ng patay.

NATIONAL FOOD AUTHORITY

RICE TARRIFICATION BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with