^

PSN Opinyon

Kinulam daw (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

BINAGO ng Supreme Court ang desisyon kina Miguel at Ramon. Pareho raw na nagkasala bilang prinsipal sa krimen ng murder ang dalawa. Binalewala nito ang alibi ni Ramon dahil napakadali para sa kanya na sabihin na nasa ibang lugar siya. Puro kamag-anak din niya ang tumestigo para sa kanya samantalang positibo siyang itinuro ng tatlong testigo ng prosekusyon na kumaladkad kay Aling Maria habang walang awa siyang hinahampas ni Miguel.

Ayon din sa SC ay imposible ang kuwento ni Miguel na susubukan ng matandang si Gimo na saktan at pagtatadyakan ang asawa sa harap ng napakaraming tao dahil lang inamin ng misis na isa siyang mangkukulam. Tumestigo si Mang Gimo na sinubukan niyang saklolohan ang asawa mula sa pambubugbog ni Miguel pero hinarangan at tinakot siya nito sa may hagdan. Walang naging kontradiksyon sa testimonya ng mga testigo ng prosekusyon at sa kinalabasan ng awtopsiya sa bangkay ng biktima.

Ayon sa SC ay tama ang Solicitor General sa pagsasabing parehong nagkasala sa krimen ng murder sina Ramon at Miguel bilang prinsipal o pangunahing akusado sa krimen. Sabihin man na si Miguel ang walang habas na humampas kay Aling Maria ay napatunayan pa rin na (a) sinamahan ni Ramon si Miguel sa bahay ng biktima, (b) hinawakan ni Ramon ang magkabilang kamay ng biktima para hindi makapanlaban habang hinahampas ni Miguel ng kahoy, at (c) hatak ni Ramon ang babae sa kamay habang patuloy na pinapalo ng kahoy ni Miguel. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng dalawang akusado para mapagtagumpayan ang kanilang ginawang pagpatay sa biktima. Pareho silang dapat managot sa ginawa nilang pakikipagsabwatan sa isa’t isa.

Iyon nga lang ay mayroong matatawag na “mitigating circumstance” na makababawas sa bigat ng kanilang pagkakasala dahil hindi nila sinadya na gawin ang ganoon kabigat na krimen. Ang talagang gusto nilang mangyari nang kaladkarin at bugbugin nila sa harap ng konsehal ang matanda ay ang aminin ng babae na isa siyang mangkukulam at siya ang dahilan kung bakit nagkasakit ang asawa ni Miguel.

Ang matinding galit din na bumulag sa dalawa ay makababawas sa kanilang kasalanan dahil malinaw na kaya nila napatay ang matanda ay dahil sa paniniwalang kinulam ng biktima ang asawa ni Miguel. Ang dapat na parusa nila ay makulong mula sampung taon, 1 araw hanggang 17 taon, 4 na buwan at 1 araw na ang pinakamatagal (People vs. Zapata and Tubadeza, G.R. L-11074, February 27, 1960).

MIGUEL

RAMON

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with