^

PSN Opinyon

Nakababahala ang paglitaw

K K LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NATUKLASAN ang polio virus sa Metro Manila at Davao. Sa 142 sampol na kinuha sa mga tubigan at kanal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, 25 ang positibo sa Manila at 1 sa Davao. Ibig sabihin may posibilidad na mahawahan ang tao. Kung mangyari iyon ay mas mabilis nang kumalat. Kaya hinihikayat ni DOH Sec. Duque na pabakunahan laban sa polio ang lahat ng bata na 5-taong gulang pababa. Ito ang tanging paraan para mahinto ang pagkalat ng peligrosong sakit.

Sa hilagang bahagi naman ng China, naitala ang pang-apat na kaso ng bubonic plague. Ang sakit na ito ay karaniwang galing sa pulgas na nagmula naman sa mga daga na may dalang peste. Ang masamang uri ng peste ay nadiskubre pa sa tao. Ayon sa Wikipedia, noong taon 1347-1351 kumalat nang husto ang bubonic plague sa Asya at Europa kung saan 75 hanggang 200 milyong tao ang namatay. Tinawag itong «Black Death». Wala pang antibiotic noon kaya isipin na lang ang sitwasyon noong mga panahong iyon. Mabuti at may gamot na panlaban sa peste, pero mahalaga na matanggap kaagad ng taong nagkaroon ng impeksiyon. Walang may gustong maulit ang “Black Death”.          

Sa Samoa, tigdas naman ang problema. Umabot na sa 37 tao ang namatay. May 200,000 tao lang ang populasyon ng Samoa kaya mataas na ang bilang na iyan. Higit 2,000 na ang naitalang may tigdas. Ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna ang tinitingnan na dahilan ng pagkalat. Mahalaga ang bakuna. May mga grupo rin kasi na kontra-bakuna na naglalabas ng kung anu-anong masamang impormasyon tungkol sa mga ito. Ang dapat ay malaman ang tamang impormasyon hinggil sa tatanggaping bakuna para ligtas sa sakit at pag-alala.

Nakababahala nga ang paglitaw muli ng mga sakit na ito. Mga sakit na matagal nang inakalang napawi na sa iba’t ibang bansa. Kung ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna ang nakikitang dahilan, dapat mamulat din ang mata ng mga kontra-bakuna. Walang antibiotic laban sa virus, kaya tanging bakuna ang panlaban sa mga ito. Pabakunahan kaagad ang mga bata, lalo na mga sanggol.

METRO MANILA

POLIO VIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with